Lecheng Pag-ibig To!
Sam YG and DJ Chacha and The Pod Network Entertainment
Bold, witty, and brutally honest, Lecheng Pag-ibig 'To is a hit Filipino relationship podcast hosted by Sam YG and DJ Chacha. With their unmatched chemistry, they serve up real talk on love, heartbreak, landi, and all things in between. Whether you're laughing or crying, every episode feels like a therapeutic session with your tropa. It’s a must-listen for Pinoys navigating modern romance. If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com.
Bold, witty, and brutally honest, Lecheng Pag-ibig 'To is a hit Filipino relationship podcast hosted by Sam YG and DJ Chacha. With their unmatched chemistry, they serve up real talk on love, heartbreak, landi, and all things in between. Whether you're laughing or crying, every episode feels like a therapeutic session with your tropa. It’s a must-listen for Pinoys navigating modern romance. If you're interested in collaborating with our podcast through brand partnerships, advertisements or other collabs, please send an email to our management: info@thepodnetwork.com.
28: SI PAPA JACKSON ANG BAHALA SA LOVE PROBLEMS MO!
Episodes
Napakalupit ng guest natin sa episode na ito mga lechenatics! Nagimport kami ng subject matter expert na talaga namang beterano na sa larangan ng pagbibigay ng love advice! Walang iba kundi si Papa jack! Yes! Papa Jack graces the show in this episode! Ano pang hinihintay niyo? Kinig na!
Niloko ka, pinili mong mag-stay pero hindi mo alam paano ka ulit magtitiwala sa kanya? Yan ang kwento ng sharer natin sa episode na to! Should you stay or move on kapag may lamat na ang relasyon? Yan ang sasagutin nina Sam at Chacha!
Sing-init ng weather ang story ni Love. Tambay siya sa Bumble at Tinder to find true love in the middle of the pandemic. May na-meet siya finally, she likes him pero hindi naman tanggap ni guy ang nakaraan niya. Anong nakaraan ba yan na hindi matanggap? May true love nga ba sa tinder at bumble? Yan ang alamin natin sa latest episode mg Lecheng Pag-ibig To!
Laban o bawi? Paano mo nga ba malalaman kung dapat ba bigyan ng second chance ang isang relasyon? In this episode kinuwento ni letter sender ang eksena ng ex niyang babaero. Pero mga bagets pa naman daw sila noon, ngayon daw mature na. Dapat pa ba niya bigyan si guy ng second chance or wag na dahil baka maulit lang ang lokohan? Yan ang sasagutin nina Sam & Chacha!
Isang masayang April fools ang sa inyo mga Lechenatics! Magbiro na kayo sa lahat wag lang sa pag-ibig! Kayo ba ay napunta na sa isang sitwasyon kung saan may jowa ka, may jowa rin sya, paano na yan eh bet ninyo ang isa’t isa? Should you fight for it or walk away? Ano sa tingin niyo?
Zuuup lechenatics! Alam niyo ba na hindi lang problemang pag-ibig ang pwede ninyong idaing sa amin? Sa episode na ito papayuhan ni Sam at Cha ang ating letter sender na sinisiraan ng isang ka-trabaho niya! O siya, tara kinig na!
Zuup Lechenatics! Talagang napaka kumplikado talaga ng pag-ibig lalo na't wala itong pinipiling edad o katayuan sa buhay. Ika nga nila, love is blind. Pero pano mo malalaman kung tama pa rin ang pagsunod sa tibok ng iyong puso lalo na't na in love ka sa halos sing edad ng anak mo? Pakinggan ang kwento ng ating letter sender at ang kaniyang daladalahin sa episode na ito.
Dapat nga bang sundin ang 3 month rule sa mga relationship? Dapat pa nga bang isipin ng ex mo ang mararamdaman ng mo sa mga ipopost niya sa social media kahit wala na kayo? Lahat ng mga yan ay pag-uusapan ni Sam at Chacha sa episode na ito!
Ano nga bang mas matimbang, pagkakaibigan o kakatihan? Malalaman niyo sa episode na ito kung gaano kahalaga ang bro code at girl code! Kapag ang bet ng friend mo ay EX mo, okay lang ba sayo? Yan ang sasagutin nina Sam at Chacha!
Okay nga lang bang nag-di-disappearing act ang boyfriend ni letter sender sa tuwing nag-aaway sila? Normal ba yung 1 week na walang paramdam kapag magkaaway ang mag-partner? Dapat ba hindi natutulog ng magkaaway? Ang daming tanong ni letter sender, sakit sa ulo! Yan ang mga pipilitin sagutin nina Sam & Chacha sa episode nato!
Hello mga lechenatics! Talaga namang love knows no boundaries at matutunghayan natin sa episode na ito kung paano nalampasan ng ating letter sender ang lahat ng mga problema nila ng kaniyang forever! Magbaon ng tisyu at baka ikaw ay mapaluha sa episode na ito!
Hindi na nga ba dapat binabanggit pa si EX kapag may bago ka ng jowa? Paano ba malalaman na naka-move on na ang jowa mo sa EX niya? Sa episode na ito magkakaalaman kung ang jowa ba ni letter sender ay in love pa sa EX niya! Usapang EX na naman Lechenatics! Kelan ba tayo tatantanan ng mg EX na yan? 🤣
Zuuup lechenatics? Breaktime muna tayo sa mga letter senders natin dahil sa episode na ito malalaman niyo na lahat ng dapat niyong malaman tungkol sa engagement ni sam! O diba? YES, Engaged na siya! Lahat ng mga tanong niyo, sasagutin niya sa episode na ito kaya tutok mga abangers!
Paano ka nga ba makaka-move on kapag yung gamit ng ex-jowa mo nasa bahay mo pa? Tapos tinatawag ka pa ring “babe”? In this episode, sasampalin nina Sam at Chacha ng katotohanan si letter sender at lahat ng tulad niyang umaasa pa rin hanggang ngayon sa taong ayaw na sa kanila.
Hindi alam ni letter sender ang gagawin niya dahil na-inlove na yata ang friend/workmate/fubu niya sa kanya. Patay! Ang isa pang problema, hindi raw masarap si Kuya sa kama. Oh no! Can they go back to being friends? Yan ang alamin natin sa latest episode ng Lecheng Pagibig to!
Sinlamig ng panahon ngayong ang episode natin ngayon mga ka Leche! Isa sa pinakamahirap na pagdaanan kapag tayo'y nagmahal ay ang maiwan sa ere! Ano nga ba ang dapat gawin kapag nangyari sa tin to at pano ba natin makakamit ang closure na ating hinahanap? Pakinggan niyo sina Sam at Cha at ang kanilang payo sa ating letter sender sa episode na ito!
Zup lechenatics! Unang episode for 2021 kaya naman dapat masakit sa ulo agad. Kelan ba dapat magtanong kung “ano ba tayo?” Ano bang mga senyales para malaman na gusto ka ng isang tao? Yan ang susubukang sagutin nina Sam & Chacha!
Hey lechenatics! Naloko ka na ba? Kung ganon masasagot mo ang tanong ni letter sender. May chance pa kayang magbago ang manloloko? O habang buhay na silang hindi makukuntento sa isa? Paano malalaman kung talagang nagbago na? Sa episode na to’ sasagutin nina Sam & Chacha ang mga tanong yan!
Hello Lechenation! Naranasan niyo na bang may kahati sa pagmamahal ng iba? O ang mamangka sa dalawang ilog? In this episode pakinggan ang daing ng ating letter sender na hindi na kinaya at tuluyang nakunsensya sa kaniyang ginagawa!
Ano nga ba mas matimbang, friendship o konsensya? In this episode maloloka kayo ng husto sa friend ni Carmel our letter sender na lumalandi sa bestfriend mismo ng boyfriend niya! Ano ba mas mangingibaw? Protektahan si friend o isalba sa katangahan at sakit ang niloloko niyang boyfriend?
Hello mga lechenatics! Where do you draw the line between friendship and flirting? Naniniwala ba kayo na pwedeng magkaron ng bestfriend from the opposite sex? Sa episode na ito hihimayin ni Sam at Cha ang boundaries ng friendship para malaman natin kung hanggang gaano ka close pwede ang jowa mo at ang beshie niya.
In this episode lechenatics, malalaman niyo ano ang kahulugan ng salitang “bayis bayis” at magkakaalaman kung dapat ba kabahan ka na kapag mahilig mag like ng sexy photos ng babae ang jowa mo. Normal ba yun o super manyak siya? Yan ang sasagutin nina Sam & Chacha!
Usapang MU ulit in this episode. Pero mas masaklap to mga te’ at kuya dahil hindi ka na jinowa, ginhosting ka pa. Double whammy! Gaano ba kasi talaga dapat kahaba ang MU? Pwede ka ba mag-demand sa ka-MU mo? Anong gagawin kapag yung ka-MU mo may ka-MU pang iba? Sina Sam & Chacha may sagot sa mga yan!
“Will you marry me?” Ang linyang inaantay marinig ng bawat babae sa mga jowa nila. 8 years na together sina letter sender at ang BF niya pero bakit parang walang plano? Bakit parang hanggang live in lang? Pakinggan ang advice nina Sam & Chacha kay letter sender!
In this episode medyo uminit ang dugo ni Chacha kay Letter Sender Maricel na may kinakausap na guy na alam niyang gusto niya pero wala naman daw silang label. I care for you daw pero hindi pa I love you! Ang tanong niya, considered cheating na ba ito? Listen to Sam & Chacha’s advice sa mga taong nakikipag-MU sa mga may jowa na!
Gusto mo siyang kayakap pero hindi pwede kase milya-milya ang layo niya. Gusto mo siyang kausap pero hindi magtugma ang schedule niyo. Nag-away kayo pero ang hirap ayusin kase ang layo niya sayo. How do you survive LDR? Yan ang problema ni letter sender na unti unting nawalan ng gana sa jowa niyang malayo sa kanya.
Nakaka-tuwa naman talagang mag-Tinder. Pero dapat bang ituloy o i-delete ang mga social dating apps pag may jowa ka na? Pakinggan ang usapan nina Sam & Cha Cha sa episode na to :D
Can Social Media ruin relationships? Nagkaroon ka ba ng jowa na mas tutok pa sa facebook at instagram kaysa sayo? Yung magkatabi na kayo pero hindi ka napapansin dahil masyadong busy kaka-like ng kung anu-ano sa social media? Pakinggan ang story ng ating letter sender at alamin ang solusyon nina Sam & Chacha sa jowa mong adik sa social media.
Here's a little teaser for everyone! Watch out for our first episode!