Barangay Love Stories
Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito. Thank you for making this podcast NUMBER 1 in the Philippines. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
EP 804: "Pinaagaw" with Papa Dudut
Episodes
Kung totoong pinagtatagpo ang magkasalungat, paano aalagaan ang pagmamahalan para hindi mauwi sa hiwalayan? Pakinggan ang kwento ni Jomari sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kung may nagawang pagkakamali ang iyong ina, handa ka bang patawarin siya kahit pa paulit-ulit at nakakasakit na siya ng iba? Pakinggan ang kwento ni Prince sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Marami ang nangangarap magkaroon ng malaki at magandang bahay. Pero minsan, sa loob din ng isang magandang tahanan nagsisimula ang mga pangyayaring hindi mo na gugustuhing maalala pa kahit kailan. Pakinggan ang kwento ni Hazel sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Gagawin ng iba ang lahat makuha lang ang mga bagay na matagal nang inaasam-asam kahit kapalit pa nito ay ang kanilang dignidad. Pakinggan ang kwento ni Olivia sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mas magaan ang buhay kung sa pagpasan ng pamilya tulong-tulong ang bawat isa. Pero kung sa kinatagal-tagal ng panahon nagpapapasan ka pa rin, baka lumubog lang ang lahat dahil ikaw ay pabigat. Pakinggan ang kwento ni Kate sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kung minsan, pang-unawa at pagpapakumbaba lang ang kailangan para matahi ang unti-unting napupunit na samahan. Pakinggan ang kwento ni Roset sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isang malaking laro ang pagpapanggap at kahit mapaniwala mo ang ibang tao, babalik pa rin ito sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Brian sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Halos nagiging normal na sa mga pinoy ang mangibang bansa para kumita ng pera - tulad ng mama ni Marco. Maliit pa lamang siya ay nagtatrabaho na sa ibang bansa ang kanyang mama. Ang lagi niyang hiling noon ay ang umuwi at makita niya ang kanyang ina. Ngunit dahil biglang nawalan ng trabaho, hindi na naman ito makakauwi sa kanyang pagtatapos. Kaya isang araw, ang pangungulila ni Marco ay naging pagdaramdam hanggang sa tuluyan nang maging hinanakit at pagkagalit. Pakinggan ang kwento ni Marco sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Makahanap ka sana ng katapat mo kung magmahal, iyong handang ialay ang lahat o higit pa sa kaya mong ibigay. Pakinggan ang kwento ni Lindsay sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
May mga tao talaga na mas sumasaya kapag nakapanlalamang sa kapwa, pero titiklop din kapag sila na ang dumanas ng masasama nilang gawa. Pakinggan ang kwento ni Gracie sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kung hindi mo totoong mahal ang isang tao, piliin mong magpakatotoo kaysa sa pakisamahan mo ngayon at sa dulo naman ay malilito ka at manloloko. Pakinggan ang kwento ni Francis sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hindi porket tumulong ka sa iba ay hawak mo na ang buhay nila tapos maghahanap ka pa ng kapalit sa mga bagay na ipinagkaloob mo sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Malyn sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mahirap raw makahanap ng matinong partner. Pero ang karamihan kasi ay hindi lang nabibigyan ng pagkakataon tulad ni Omar. May gusto siya sa empleyado ng bangkong binabantayan niya - si Angeline. Mabait ito kaso may matapobreng pamilya. Sipag at tiyaga lang ang kayang maipagmalaki ni Omar kaya laging gulat niya talaga nang panindigan siya ng dalagang kanyang sinisinta. Pakinggan ang kwento ni Omar sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Masarap mapangakuan ng matatamis na salita pero sa oras na ang mga pangakong ito ay masira, ang sakit nito ay parang libo-libong pandaraya. Pakinggan ang kwento ni Jepong sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mag-ingat ka sa mga taong pabalik-balik lalo na sa tuwing sila'y naiinip. Ang kanilang pagbabalik ay hindi pagmamahal, kun'di isang paalala na ikaw ay pansamantalang aliw lamang. Pakinggan ang kwento ni Rosie sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag magkatuwang ang ama at ina sa pagtataguyod ng pamilya, gagaan ang bawat problema. Pero kahit mag-isa ka na lang, susulong pa rin sa buhay dahil ganyan ang isang magulang. Pakinggan ang kwento ni Jaymark sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mahirap maging magulang pero minsan mahirap din maging anak, lalo na kung makahanap ang iyong ama ng bagong asawa tapos ang ugali ay masama pa. Pakinggan ang kwento ni Roxanne sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Para sa magulang ni Isaac, isa siyang malaking biyaya. Kaya kahit na mahirap, ginawa nila ang lahat para mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang unico hijo. At dahil sa pagmamahal na iyon, lumaki rin ang respeto at pagmamahal ni Isaac sa kanyang nanay at tatay. Kaso nang matalisod si Isaac, nasira ang mga plano at pangarap niya pero tinulungan pa rin siya ng kanyang mga magulang upang makatayong muli. Pakinggan ang kwento ni Isaac sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Walang sinuman ang magnanais manirahan sa isang bahay na imbes mag-umapaw sa pagmamahal, ay napuno ng pighati at latay. Pakinggan ang kwento ni Jasper sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang ipaglaban ang relasyon, lalo na kung ang dulot nito sa iyong buhay ay polusyon. Pakinggan ang kwento ni Shaira sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kung maging bulag sa pag-ibig ang iyong anak, ang papel ng mga magulang ay maging gabay at sandalan kung sakaling sila ay maligaw. Pakinggan ang kwento ni Elsie sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Huwag kang hihinto dahil lang wala kang nakikitang agarang resulta. Ang importante ay aanihin mo ito nang walang pagsisisi at pagkukulang. Pakinggan ang kwento ni Colet sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Para kay Sebastian, mas mahalaga ang panandalian niyang kasiyahan kaysa sa sinumang karelasyon niya. At dahil hindi na siya makapaghintay sa 'tamang panahon' na sinasabi ni Mirriam, hinayaan niya na lang ang dalaga at nagpakasaya na lang tuloy si Sebastian sa piling ng iba habang sila pa. Pakinggan ang kwento ni Sebastian sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Panganib ang dala kung ikaw ay magpapagapos sa panandaliang saya. Pakinggan ang kwento ni Arman sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa pagtaas ng iyong emosyon, nagbabago rin ang mga desisyon. Hayaan ang integridad ng relasyon ang maging mas mahalaga sa ganitong pagkakataon. Pakinggan ang kwento ni Gab sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
May mga paghihirap na pipiliin mo pa ring danasin maibsan lang ang sakit na nagpapahirap nang pilit sa mga taong kayamanan mo na. Pakinggan ang kwento ni Asmira sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kung may pagkakataon kang mahalin muli ang taong minahal mo, sana ibigay mo sa kanya ang buo mong pagmamahal dahil hindi lahat ng nangungulilang puso ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Pakinggan ang kwento ni Jerry sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Walang anak ang ipinapanganak na rebelde. Ang pagiging rebelde ay hindi ugali kundi isang reaksyon. Madalas makompara si Elise sa mga kapatid niya. Madalas din siyang mapagalitan dahil hindi siya magaling sa pag-aaral. Kaya imbes na pamilya ang maging takbuhan, sa mga textmates siya nakahanap ng suporta. Pakinggan ang kwento ni Elise sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ang pag-abot sa mga pangarap ay totoong mahirap pero kung ikaw ay determinado, baka bukas hawak mo na rin ito. Pakinggan ang kwento ni Lorenz sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Walang tao ang ipinanganak na perpekto at darating ang pagkakataon na makikilala mo ang isa pang piraso na mas magpapalago sa iyo. Pakinggan ang kwento ni Thaddeus sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Matuto sa pagkakamali ng iba para ito ay iyong maiwasan at hindi na ulit-ulitin pa. Piliing ang katuwiran lagi hindi yung may pagsasama at pamilya kang sinisira. Pakinggan ang kwento ni Lizzy sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ang paghilom ay hindi mabilisan pero sana dumating din ang panahon na makakapagpatawad ka nang taos sa iyong puso. Pakinggan ang kwento ni Kim sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nakakabulag daw talaga ang pag-ibig. At pinatunayan 'yan ni Rachel nang hindi siya nakinig sa paalala ng kanyang mama at kapatid. Unang pagkikita pa lamang, hindi na ginalang ni RJ ang pamilya ng kanyang girlfriend. Pero si Rachel, pinagtanggol pa rin si RJ dahil mali naman daw na husgahan nila ang nobyo niya sa unang pagkikita pa lang. Kaya ang solusyon niya, ilapit si RJ sa kanyang pamilya para mas makilala nilang lahat ang isa't-isa. Pakinggan ang kwento ni Rachel sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kailangang bumitaw sa mga maling paniniwala para makita mo ang katotohanan na hindi na tama ang iyong ginagawa. Pakinggan ang kwento ni Analea sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ang isang relasyon ay hindi dapat hinahaluan ng kasinungalingan at daya dahil dito nagsisimula na ang pagmamahal ay mawala. Pakinggan ang kwento ni Dado sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Masarap umibig, masarap mapagkatiwalaan, at masarap maging masaya kasama ang iyong minamahal. Pero kung hindi mo kayang maging tapat at mabuti, ipaubaya mo na lang siya sa taong aalagaan siya hanggang sa huli. Pakinggan ang kwento ni Sher sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
May mga tao talagang mas sumasaya kapag nakakapanloko ng iba pero sana maghanda rin sila kasi babalik iyon sa kanila. Pakinggan ang kwento ni Aubrey sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Maganda sa pamilya ang nagtutulungan kahit na hikahos ang buhay. Pero ang mahirap, kung may mabuong puot sa puso ng anak dahil sa sakripisyong ginawa ng kanyang magulang. Hindi matanggap ni Belle na hindi sila sinama ng kanilang ina sa ibang bansa para makipagsapalaran. Lumaki sila ng kapatid niya sa piling ng maalaga nilang tito, istrikto ito sa kanila dahil ayaw nitong mapariwara sila. Pero kahit na ganun, nakuha pa ring magbisyo ni Belle. Pakinggan ang kwento ni Belle sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mahirap hilumin ang sugat ng iba lalo kung matagal na itong naluma. Hindi mo sila mapipilit umusad pero pwede mo silang samahan sa pagharap ng bukas. Pakinggan ang kwento ni April sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Turuan mo ang puso mong lumayo sa mga taong hindi ka kayang pahalagahan para hindi ka na paulit-ulit na masaktan. Pakinggan ang kwento ni Sadie sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa lawak ng mundo, biyaya ang makatagpo ng kaibigang maaasahan mo. Pakinggan ang kwento ni Shine sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Minsan, may mga bagay na inilalaan ka sa sarili mo pero hindi pala ito para sa iyo. Baka kailangan mo pang maghintay o baka kailangan mo ng panibagong pananaw sa buhay. Pakinggan ang kwento ni Jin sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Lumaki si Simon sa ama niyang mapanakit. At sampung taon lamang siya nang maisipan niyang lumayas na lamang sa bahay na iyon. Nang naging pulubi siya, nakilala niya naman si mang Greg na pangarap magkaanak sa kanyang asawa pero hindi sila mabiyayaan. Kinupkop nga ni mang Greg si Simon pero sa paglipas ng mga araw, parang bumalik lang din si Simon sa tirahan na minsan niyang iniwan. Pakinggan ang kwento ni Simon sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hindi madaling baguhin ang mga nakasanayan pero may mga tao talagang nagbabago rin para panindigan ang kanilang nararamdaman. Pakinggan ang kwento ni Vanesa sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ang pagtulong sa kapwa ay kusang loob at hindi dapat gawing listahan para magi nilang utang na loob. Pakinggan ang kwento ni Genie sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
May mga katotohanang mahirap tanggapin mula sa iyong pamilya pero hindi nito mabubura ang pagmamahal na pinadama nila. Pakinggan ang kwento ni Desa sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
May mga responsibilidad na hindi madaling talikuran, tulad ng pagtulong sa pamilya. Pero bilang magulang hindi patas kung ang lahat ng obligasyon ay sa mga anak niyo ipapasa. Pakinggan ang kwento ni Bambi sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mahirap makipagrelasyon lalo kung sakit ng ulo lang ang ibibigay nito sa iyo. Ganyan mag-isip si Coralyn kaya kahit na NBSB, hindi siya nag-aalala kung tumanda man siya mag-isa. Pero andun pa rin ang maliit na kagustuhan na sana, kung papalarin, ay maranasan niya rin ang magmahal at mahalin pabalik. Kaso ang notorious bad boy na si Rocco ang na-in love sa dalaga. Pakinggan ang kwento ni Coralyn sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Parte ng pagmamahal ang sakripisyo pero kung siya na mismo ang nagpapahirap sa iyo, baka kailangan mo ulit matuto kung paano respetuhin din ang sarili mo. Pakinggan ang kwento ni Lala sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kapag nasanay ka nang inuuna ang iba, ang pagbigyan ang sarili ay mahirap na. Kaya matutong alagaan ang iyong pangangailangan para hindi ka rin bumigay bilang kanilang sandalan. Pakinggan ang kwento ni Kath sa Barangay Love Stories. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.