Kapuso Mo, Jessica Soho Podcast
Jessica Soho
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Raw, heartfelt, and intimate conversations with award-winning journalist Kara David. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kakai Bautista, naging wardrobe assistant ni Lea Salonga bago maging aktres! | i-Listen
Episodes
Bago makilala bilang ‘The Dental Diva’ ang actress, comedienne at singer na si Kakai Bautista, naging wardrobe assistant muna siya ng broadway actress na si Lea Salonga! Mula sa pagiging parte ng mga tao sa likod ng telon, paano nga ba napunta sa limelight si Kakai? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Binansagag online bilang “Nostradamus” ang psychic reader at paranormal researcher na si Jay Costura dahil sa kakayahan umano nitong makita ang hinaharap. Ilan daw sa mga nakita niyang vision noon ang pagputok ng isang bulkan at pagtama ng pandemya! Pero ang kakaibang abilidad niya, bakit nga ba itinuturing niyang regalo at sumpa? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
2014 nang mabalita ang pagpatay sa ina ni Cherry Pie Picache na si Zenaida Sison. Ang gumawa ng krimen, ang tagalinis ng kanilang bahay. Natagpuan si Zenaida na may maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa kabila ng matinding sakit at galit, paano natutong magpatawad si Cherry Pie sa taong pumatay sa kanyang ina? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hulyo nitong nakaraang taon nang ibahagi online ni Glaiza De Castro ang pagpanaw ng kanyang ama. Sa unang pagkakataon ay emosyonal na ikinuwento ng aktres kay Kara David ang pinagdaanan na sakit ng ama at kung paano niya tinanggap ang pagpanaw nito habang siya’y nasa ibang bansa. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Taong 2007 nang unang makilala ni Kara David si Lily Ambrosio para sa dokumentaryo ng ‘I-Witness’ na ‘Sa Mga Mata ni Ekang.’ Tatlong taong gulang pa lamang noon si Lily o ‘Ekang’ kung tawagin, nang mamulat siya sa mundo ng ipinagbabawal gamot dahil sa ina niyang runner ng droga. Ang bahay nila ay nagsilbing tambayan ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Pinatay ang kanyang ina sa loob ng bahay nila habang natutulog noon sina Ekang. Makalipas ang halos dalawang dekada, kumusta na nga ba ang mundo sa mga mata ni Ekang? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isa marahil sa pinakahihintay ng bawat batang pinalaki ng SexBomb Girls ay ang kanilang five-day reunion concert na nagsimula noong December 2025 hanggang nitong February 2026. Pero ang hindi alam ng nakararami, sa likod ng bawat sold out night ng five-day reunion concert ay katakot-takot na mga aksidente onstage at backstage! Ang ilan sa mga hindi makakalimutan na sorpresa noong ‘Get Get Aww Rawnd Concert,' ibabahagi ni SexBomb Rochelle Pangilinan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Bago makilala bilang komedyante at aktres si Marietta Subong o “Pokwang,” naging OFW muna siya sa iba’t ibang bansa bilang entertainer. Nagtatrabaho siya sa Abu Dhabi nang malaman na may brain tumor ang kanyang anak. Sa kasamaang palad, hindi kinaya ng anak ni Pokwang ang operasyon at pumanaw. Dahil sa laki ng gastusin ay hindi nagawa ni Pokwang na umuwi para sa libing nito. Ang hugot sa bawat pag-arte at pagpapatawa ni Pokwang, pakinggan sa “i-Listen with Kara David.” Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nakilala ang content creator na si Sassa Gurl dahil sa kanyang nakatutuwang videos o kung tawagin ng karamihan ay ‘kanal humor.’ Pero bukod sa pagiging ‘Mima ng Bayan’ sa kanyang mga naka-naka, isa ring proud nakshie si Sassa Gurl! Ang kanyang ina kasi, naitaguyod ang kanyang pag-aaral mula sa pagtatrabaho bilang kasambahay! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
20-anyos si Marites Valencia Odarbe nang ma-diagnose ng Parkinson's Disease. Nakakaranas si Marites ng matinding tremors o paggalaw sa kanyang kamay at paa, pagkaputol-putol ng pananalita at minsa'y paninigas ng kalamnan. Pero sa kabila ng kondisyon niya, isa nang book author at motivational speaker si Marites upang magsilbing boses ng mga taong may kaparehas na pinagdadaanan. Pakinggan ang matapang niyang pakikipaglaban sa 'i-Listen with Kara David.' Para sa mga nais tumulong kay Marites, maaaring magdeposito sa: BANK: BPI Banko Account ACCOUNT NAME: JEANNE MARIE VALENCIA ODARBE ACCOUNT NUMBER: 1800 3127 7939 Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mula Cagayan de Oro, dala ang kanyang gitara, notebook at lakas ng loob, nakipagsapalaran ang singer-songwriter na si TJ Monterde sa Maynila. Kasama ang kanyang matalik na kaibigan, churchmate at kalaunan ay naging longtime guitarist niyang si Makoy Portado, sa isang maliit na apartment sa Mandaluyong ay nagsimula silang mangarap na marinig ng marami ang kanilang musika. Ang kuwento sa likod ng musika ni TJ, pakinggan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Limang taong gulang si Bianca Umali nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa breast cancer at 10 taong gulang naman siya nang mamatay ang ama sa heart attack. Kaya naman ang nagsilbing magulang ni Bianca… ang kanyang Lola Vicky! Pero sa edad na 16, bakit nga ba pinili ni Bianca na humiwalay na sa kanyang lola at maging independent? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa kulungan ipinanganak at lumaki si Paul Gangcuangco Pili dahil nakapiit sa Women’s Correctional ang kanyang Nanay Aleth at Lola Naty. Ano nga ba ang buhay ng isang batang lumaki sa loob ng kulungan, malayo sa kanyang mga mahal sa buhay at napaliligiran ng mga PDL o person deprived of liberty at ng mga jail guard? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Magsasalita na ang paborito nating makata at wala siyang apelyido! Filipino rap legend Gloc-9, ibinahagi kay Kara David ang kuwento sa likod sa ilang obra niyang kanta. Hit song na ‘Upuan,’ minsan daw na pinagbawalang kantahin ni Gloc-9 sa ilang shows at events?! Pakinggan ‘yan sa “i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa likod ng malalakas na tawa at mga banat, isang kuwento ng sakripisyo at patuloy na paghilom ang ibabahagi ng Island Ate ng Cebu at #TheMasterCutter star na si Shuvee Etrata. Si Shuvee, emosyonal na ibinahagi ang kanyang mga naging sakripisyo para sa kanyang pamilya. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Bago makilala bilang aktres sa iba’t ibang pelikula at teleserye, nagsimula si Moi Bien bilang kasambahay ni Piolo Pascual kung saan halos dalawang dekada siyang namasukan. Ang hunk actor, minsan daw naging akyat-bahay sa sarili nitong tahanan nang makatulog si Moi! At ang naging daan para pasukin ni Moi ang pag-arte… dahil daw sa pamimilit nina Papa P at Direk Joyce Bernal?! Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mula sa pagiging child star sa edad na tatlo, singer-songwriter at ngayo'y direktor, marami nang 'transition' sa buhay ang pinagdaanan si Ice Seguerra. Pero isa sa pinaka naging maingay na balitan tungkol sa pagbabago sa buhay niya ay nang siya'y maging isang transman. Kailan nga ba napagtanto ni Ice na bahagi siya ng queer community? At paano nga ba ito tinanggap ng kanyang magulang? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
IT’S YOUR GIRL MIMIYUUUH IS HERE! Full bangs, plastic na cabinet, bonggang mga OOTD, at nakatutuwang content — diyan nakilala ang online content creator na si Mimiyuuuh. At dahil sa kanyang talento pagdating sa fashion ay nakabilang na rin siya sa ilang malalaking fashion events. Ang batang Baclaran na laging pinapalayas, ngayo'y may sarili nang bahay at kotse! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Babala. Sensitibo ang paksa. Nitong March 31 ay nagpaalam na maglalaro ang 5-anyos na si Francis Muleta sa kanyang magulang. Pero makalipas ang ilang oras, nakauwi na ang mga kalaro ni Francis pero hindi pa rin makita ang bata. Nang matagpuan si Francis ay puno na ito ng dugo, may mga saksak sa tiyan at gilit sa leeg. Matapos ang halos 41 araw na makikipaglaban sa ospital ay pumanaw rin si Francis. Sino nga ba ang nasa likod ng krimen na ito? Kumusta na nga ba ang unsad ng hustisya para kay Francis? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Matapos ma-massacre ang kanyang pamilya ay nagpalit-lipat ng probinsya sa murang edad si Nestor Quilat at natutong magnakaw para lamang may pambili ng pagkain. Dahil wala pang juvenille justice act noon ay nakulong si Nestor sa kabila ng kanyang murang edad. Samantala, nanirahan naman sa kalye ng Maynila si George Busa nang bigo siyang makahanap ng trabaho. Naranasan din daw niyang maglakad ng halos limang oras makarating lamang sa papasukan na trabaho. Ang kuwento ng pagbabago at pagpupursigi nina Nestor at George, muling pakinggan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hindi man nanalo bilang grand winner sa ‘That’s My Boy’ contest ng Eat Bulaga noong 2003, nagsilbing pintuan ito para kay BJ Forbes o mas kilala bilang Tolits para makapasok sa mundo ng showbiz. Dahil sa angking galing at pagiging bibo ay iba’t ibang proyekto ang nabigay kay Tolits. Pero nang tumumal ang mga proyekto, lumipat sa alternative learning system (ALS) mula sa pagiging home school si Tolits. Pinalayas din sila sa naipundar niyang bahay dahil sa pag-arte! Kumusta na nga ba ang dating child star ngayon? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Bata pa lang daw si Mark Averilla o mas kilala bilang Macoy Dubs nang malaman niyang bahagi siya ng LGBT community. Dahil daw rito, naging tampulan siya ng tukso. Kinakailangan pa raw magpanggap ni Macoy na nahimatay sa classroom para lang makalabas na sa klase! Paano nga ba sinabi ni Macoy Dubs sa kanyang pamilya ang pagiging bahagi ng queer community? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Marso noong nakaraang taon nang maging laman ng balita ang pag-araro ng isang bus sa ilang sasakyan sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na kinasawi ng 10 katao. Kabilang sa mga nasawi ang mag-ina ni Jerry Tuazon. At si Jerry ang nag-iisang survivor mula sa van na naipit ng nasabing bus. Sa kabila ng trahedyang ito, paano nga ba napatawid ni Jerry ang driver ng bus at nakabangon mula sa bangungot na ito? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isang taon matapos yumao ang ina ni Matet na si Superstar at National Artist na si Nora Aunor, binalikan ng aktres ang ilang alaala kasama ang ina. Ikinuwento rin ni Matet kay Kara David ang istorya sa likod ng emosyonal niyang pagla-live selling noon na dahil umano sa isang komento tungkol sa kanyang ina! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Paalala. Sensitibo ang paksa. March 18, 1996 nang sumiklab ang sunog sa Ozone Disco na mahigit 160 ang nasawi na indibidwal. Isa si Jhunie Mallari sa mga nakaligtas mula sa itinuturing na isa sa mga deadliest fire tragedies sa bansa. Pero makalipas ang tatlong dekada mula nang mangyari ang trahedya, napanagot na nga ba ang mga responsible sa nangyaring sunog? At paano nga ba bumangon mula sa trahedyang ito si Jhunie? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa edad na 16 ay nagtrabaho na bilang singer sa Japan si Daisy Reyes para makatulong kumita ng pera sa kanyang pamilya. Pero ang pagtatrabaho niya rito, naging sanhi pa upang siya’y makaranas ng bullying nang sumali siya sa isang beauty pageant. Paano nga ba ito hinarap ni Daisy Reyes? At kumusta na nga ba ngayon ang dating beauty queen at aktres? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Paalala. Sensitibo ang paksa. Taong 2007 nang mawala si Ruby Rose Barrameda at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan ang katawan na isinilid sa drum, sinemento at itinapon sa dagat. Halos dalawang dekada matapos ang krimen, hindi pa rin nakakukuha ang hustisya sa pagpatay kay Ruby Rose. Sa panayam sa kapatid nitong si Rochelle Barrameda, binalikan ng dating aktres ang araw nang mangyari ang pagkawala ng kapatid maging ang patuloy nilang maghahanap ng hustisya hanggang ngayon. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nitong Abril, ibinahagi ng online ng actress-comedienne na si Ashley Rivera ang pakikipaglaban ng kanyang ina sa lung cancer. Sa pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya napigilang maging emosyonal nang pag-usapan ang pinagdadaanan ng kanyang nanay na itinuturing niyang ‘sunshine’ at best friend. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Beauty, wit at humor -- 'yan si Miss Philippines Earth 2025 Joy Barcoma na ngayo'y binansagag na "Pambansang Jusa" online. Pero sa likod ng kanyang nakakatuwang online post ay isang nakakaantig na istorya ng sakripisyo, katapangan at malalim na pagmamahal para sa kanyang pamilya. Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ang inaakala na simpleng sakit sa ulo na dulot ng pagbubuntis ni Teacher Jennifer Bangona, sintomas na pala ng stroke! Mas tumindi pa ang sakit ng ulo niya nang nasa paaralan siya hanggang sa kinailangan na siyang dalhin sa ospital. Dito ay dalawang operasyon na ang ginawa sa kanya nang sabay — isang brain operation at isang caeserian delivery para sa kanilang first baby. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Matapos ma-demolish ang bahay noong 2003, naging tahanan nina Jude Natividad ang lansangan. Pero gaano man kahirap ang buhay nila noon ay hindi sumuko si Jude na makapagtapos ng pag-aaral. Ang batang palaboy lang noon, isa nang ganap na guro ngayon! Ang kuwento ng katapangan at pagpupursigi ni Teacher Jude, pakinggan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
'Stowka' o stowaway ang tawag ni Empoy Marquez sa kanyang sarili bagong pasukin ang mundo ng showbiz. Dahil sa mga kaibigan niya... nakuha sa isang audition si Empoy na naging daan para tahakin niya ang showbiz. Pero sa pag-uusap nila ni Kara David, bakit tila naging emosyonal si Empoy sa kanyang ikinukuwento? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Bata pa lang daw si Buboy Villar ay laman na siya ng iba't ibang singing contest sa Cebu. Nang malaman ng kanyang nanay na may isang singing contest sa Maynila ay ibinenta nila ang kanila bahay pati ang kanilang alagang manok para may pamasahe papuntang Maynila. Dahil walang kakilala sa Maynila, pansamantala nilang naging tirahan ang lansangan habang nag-o-audition si Buboy! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Trigger warning: Mentions of self-harm and depression. Minsan nang nag-viral online ang actress-comedienne na si Tuesday Vargas dahil sa pagbabahagi niya ng kanyang mental health struggles. Sa panayam kay Kara David, ikinuwento ni Tuesday ang karanasan niya bilang isang taong may attention deficit hyperactivity disorder o ADHD, autism at post-traumatic stress disorder (PTSD) at kung paano niya ito patuloy na napagtatagumpayan. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mula face masks, mani hanggang scrunchies o panali sa buhok -- lahat ng iyan ay naitinda na ni Tatay Ronnie sa kalsada para kumita. At sa pagiging street vendor niya ng mahigit 15 taon, napagtapos ang kanyang anim na anak sa pag-aaral! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dala ng kahirapan ay kinakailangan ni Marissa Fajardo na rumaket bilang labandera noon para magkaroon ng pamasahe papasok ng unibersidad. Ang pagtitiyaga niya, nagbunga nang siya'y makapagtapos bilang guro. Ngayon, isa na siyang Alternative Learning System o ALS teacher para sa mga out of school youth. Ang nagsisilbi nilang mga classroom... minsan raw ay sementaryo, ilalim ng puno o bakanteng lote! Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
14-anyos nang unang gumamit si Fr. Flaviano Villanueva ng ipinagbabawal na gamot nang siya’y napunta sa maling barkada. Pero sa tulong ng Diyos ay nakalaya sila mula sa pagiging alipin ng droga at ngayo’y tumutulong sa mga naulilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) dahil sa war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ngayong dinidinig ang kaso ni Duterte sa International Criminal Court dahil sa kanyang anti-drug campaign noon, pinag-usapan nina Fr. Flaviano at Kara David ang naging adbokasiya ni Fr. Flaviano na tulungang maghilom ang pamilya ng mga biktima ng EJK Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
aong 2018 nang bumida si Jo Berry sa Kapuso series na ‘Onanay’ kung saan nakasama niya ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Nora Aunor at Primera Kontrabida Cherie Gil. Bilang isang baguhang aktres noon, ano-ano nga ba ang paghahanda niya sa tuwing kasama sa eksena ang mga batikang aktres? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dahil sa glaucoma ay unti-unting nawalan ng paningin si Josefina Olorocisimo. Bago pa man tuluyang mabulag ay naghiwalay pa si Josefina Olorocisimo at kanyang naging nobyo ng 11 taon. Gayunpaman, nawalan man siya ng abilidad para makakita ay nagkaroon siya ng mas malalim na pananaw pagdating sa buhay, pag-ibig at paglilingkod sa kapwa. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Taong 2003 nang unang magkita sina Kara David at SexBomb Aira Bermudez para sa I-Witness. Makalipas ang halos dalawang dekada, muling nagkausap at nagkakuwentuhan ang dalawa bago ang “Get, Get Aw Concert” ng SexBomb ngayong Pebrero. Ano-ano na nga ba ang nagbago sa buhay ni SexBomb Aira? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isinilang na may Down Syndrome si Krystel Go na bumida sa 2025 MMFF Best Picture ‘I’mPerfect.’ Dahil sa kanyang ipinakitang galing sa pag-arte, kinilala siya bilang Best Actress. Gayunpaman, marami ang bumatikos nang matanggap niya ang award na ito. Ang tugon niya sa mga basher, pakinggan sa ‘ ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dahil sa pagsusugal at droga, naibenta na raw ni Lisandro Fajardo lahat ng ari-arian pati ang kawad ng kuryente para matustusan ang kanyang mga bisyo. Gumamit din si Lisandro ng bagong pangalan para takasan ang mga pinagkakautangan! Paano nga ba siya nakabangon mula sa pagkalulong sa sugal at ipinagbabawal na gamot? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Good vibes ang hatid ng komedyanteng si Chariz Solomon sa kanyang witty humor at nakakatuwang skits at banat. Pero sa likod ng kanyang mga tawa ay isang malungkot na kuwento mula sa kanyang childhood. Sa unang pagkakataon, matapang na ibinahagi ni Chariz Solomon ang naranasang pang-aabuso at hirap kay Kara David. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Paalala - Sensitibo ang paksa. Maging disente sa pagkomento. Sa edad na 18 ay na-diagnose ang content creator na si Lorenz Edilbert Olleres ng pagkakaroon ng human immunodeficiency virus o HIV. Dahil sa limitadong HIV education, nakatanggap si Lorenz ng panghuhusga mula sa kanyang pamilya maging ng diskriminasyon sa trabaho noon. Ngayon, 12 taon nang undetectable ang virus sa kanyang katawan at isa nang HIV advocate si Lorenz Edilbert Olleres. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kabilang ang CrossFit athlete na si Lara Liwanag sa mga buong tapang na lumaban para sa Team Philippines sa Netflix reality competition na Physical: Asia. Dahil sa ipinamalas niyang lakas at diskarte, binansagan siya ng mga netizen bilang “Clutch Queen.” Paano nga ba nila napatumba ang bodybuilders at kapwa CrossFit athlete? At ano-ano nga ba ang nagbago sa buhay ni Lara pagkatapos mapabilang sa competition na ito? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Dala ang naipon na pera, diploma at resume, lumuwas mula Eastern Samar si George Busa para maghanap ng trabaho sa Maynila. Nang mabigo na makahanap ng mapapasukan, dito siya nagsimulang matulog sa lansangan. Nagsilbing tahanan ni George ang kalye at kusina ang iba't ibang feeding program. Ano nga ba ang naging diskarte niya sa lansangan? At paano niya nahanap ang inaasam na trabaho? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Alam n’yo bang 18 taon nang sumasali si Miss Universe 2025 3rd Runner-up Ahtisa Manalo sa beauty pageants? At sa edad na 10, nakamit na si Ahtisa ang una niyang korona sa isang school beauty competition! Ang kanyang pinaghugutan ng lakas at pinagdaanang hirap, matapang niyang ibabahagi kay Kara David. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Wala raw naramdamang lukso ng dugo si Wilma Doesnt sa kanyang tunay na magulang nang makilala niya ang mga ito. Pagbabahagi niya kay Kara David, hindi niya naramdaman na hindi siya tunay na anak ng kanyang foster parents. Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Ipinanganak si Carla Dela Cruz na may 'spina bifida occulta,' isang kondisyon kung saan underdeveloped ang kanyang spine. Dahil dito, kinakailangang gumapang ni Carla para makapasok noon sa kanyang mga klase. Ang pagpupursigi at determinasyon niya... nagbunga at siya'y isa nang SPED teacher ngayon! Saan nga ba siya humugot ng lakas para matupad ang mga pangarap niya? Pakinggan 'yan sa 'i-Listen with Kara David.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kaya ba 'to ng lola ninyo? Sa edad na 78, si Lola Rosalinda Ogsimer, nakasali na sa iba't ibang fun run — mula sa 5K, 10K hanggang sa 21K half-marathons at ultra-distance race na aabot hanggang 65 kilometro! Paano nga ba nahilig si Lola Rosalinda sa pagtakbo? Pakinggan ‘yan sa ‘i-Listen with Kara David.’ 00:00 INTRODUCTION 02:12 78-YEAR-OLD RUNNER 07:48 WINNING 8 GOLD AND 1 SILVER 12:39 ANG PAG-IBIG NI LOLA ROSALINDA 17:14 ITATAKBO NA LANG ANG LUNGKOT 19:00 RUNNING TIPS 21:27 ADVICE TO ALL LOLA AND LOLO 23:18 TAKBO LANG NG TAKBO Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Trigger warning: Mentions of depression Ang boses ni Inka Magnaye na nagpapakalma sa milyon-milyong netizen, may itinatago ring takot at pagdurusa. Taong 2021 nang ma-diagnose siya ng bipolar disorder at kamakailan ay napag-alaman ding may Attention deficit hyperactivity disorder o ADHD. Paano nga ba niya ito nilabanan? Pakinggan ang matapang na pagbabahagi ni Inka sa ‘i-Listen with Kara David.’ 00:00 INTRODUCTION 01:19 KARA’S BIPOLAR DISORDER 01:51 QUEEN OF ASMR 05:11 GETTING DIAGNOSED WITH A MENTAL HEALTH CONDITION 12:04 GOING THROUGH STRUGGLES 15:23 SUPPORT COMMUNITY 18:05 MISCONCEPTIONS AND MYTHS ABOUT MENTAL HEALTH 30:41 YOU ARE NEVER ALONE Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.