Your Honor
Chariz Solomon, Buboy Villar
Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor!New episode drops every Saturday night.This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Welcome to the House of Honorables. Hindi ito Senado. Hindi rin ito Kongreso. Pero may hearing din dito. Kada session, may isu-subpoena na celebrity resource persons sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar para imbestigahan ang kahit anong isyu natin sa life. Lahat papatulan. Walang mahahatulan. Masayang hearing lang. ‘Yan ang Your Honor!New episode drops every Saturday night.This vodcast is produced by GMA Network’s YouLol Originals. Subscribe to @YouLolGMA on YouTube to access all Kapuso comedy content. Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
In Aid of Age Gap: Does it Really Matter?
Episodes
Porke’t younger ang asawa, naghahanap agad ng nurse sa pagtanda? Porke’t older ang partner, naghahanap agad ng sugar daddy? Aminado si Beauty Gonzalez na ilan ito sa mga misconceptions dahil sa 26-year age gap nila ng kanyang mister. Pero patunay ang kanilang marriage na minsan age doesn’t really matter. Alamin ang mga revelations ni Beauty dito sa isa na namang masayang hearing sa Your Honor! #BeautyGonzalez #YouLOLYourHonor Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Isang taong na lang, 50 years old na si Eric Fructuoso. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kumukupas ang face card ng O.G. guwaping. Sa ating live session this week, samahan si Eric na balikan ang mga nakakalokang interaction niya sa female fans, mga experience niya sa Bubble Gang, at ang kanyang inspiring fitness journey para maibalik ang hotness! #EricFructuoso #YouLOLYourHonor Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nakaka-guilty raw magpa-sexy after manganak, sabi ni Jennifer Lee. Pero sabi ni Sheree, you have to claim your power back. Kaya kahit mommy na, gora si Jennifer Lee sa pag-explore ng pole dancing. Habang si Sheree, kumita pa ng 25k sa isang kilikili pic! Sa pagbabalik ng Viva Hot Babes, bibisita sila sa ating hearing bilang sexy mommas dito sa Your Honor! #JenniferLee #Sheree #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Aminado si Mika Salamanca na may trauma na siya sa subpoena! Pero sa House of Honorables, matapang niyang haharapin ang mga isyu sa kanya: ang aktingan niya sa Hotel 88, ang kanyang Hawaii controversy, at ang hinihintay ng lahat—sila na ba ni Will Ashley? Sumama na sa live session ng Your Honor at alamin ang mga clapback ni Mika sa bashers! #MikaSalamanca #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Session 90. In Aid of Future: Diskarte o Diploma. Si Mikee Quintos, walang ambag sa thesis?! Late magpasa ng plates? Sa kabilang ng hirap, nilaban ni Mikee ang pag-juggle ng kanyang acads at pag-aartista for 10 years. Kayo kaya pumasok sa school nang naka-costume na kambing! Dito sa Your Honor, haharapin ni Mikee ang mga mga paratang sa kanya, at sasagutin din niya ang ilang taon nang pinagdedebatihan ng madla—ano ang better way to success: Diskarte or Diploma? #MikeeQuintos #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Tuloy-tuloy pa rin ang sakses ng SexBomb Girls, at talagang ‘di mo na sila mapipigilan! Tulad na lang ni SexBomb Mhyca na hindi nagpapigil na sumali sa Sexbomb at 12 years old! Ganun rin si SexBomb Johlan na hindi rin nagpapigil kay Madam Joy kahit may ban sa kanilang pagjo-jowa! Kaya huwag ka ring magpapigil. Maki-hearing na kasama sina Mhyca Bautista at Johlan Veluz dito sa Your Honor! #SexbombMhyca #SexbombJohlan #YouLOLYourHonor Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nice guy na medyo pilyo, plus mala-AOS na dance moves. ‘Yan ang atake ni Rayver pagdating sa mga babae. Hirit tuloy ni Madam Cha: Kaya ba ang bongga ng mga ex mo sa showbiz? Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin ang mga galawang Rayver Cruz at kung paano niya napapasayaw ang puso ng mga babae, at siyempre, ni Julie Anne. #RayverCruz #YouLOLYourHonor Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
“You’re not married, but you’re staying together?” Umay na umay na si Maureen Larrazabal sa unsolicited comments ng mga tao tungkol sa kanilang 23-year relationship. Pero para sa kanya, ano ba naman ang 23 years kung feeling 18 pa rin ang bewang niya sa kanyang jowa? Kaya ang tanong: tuloy-tuloy ba ang 23-year jowaan streak nina Maureen, o baka naman sa silver anniversary, simbahan na ang next stop? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sabi ni Baninay, pagpatak niya ng 30 at hindi pa nagpo-propose si Bont, makikipaghiwalay daw siya kahit okay sila. Pero buzzer beater si Bont at nag-propose bago ang deadline. At sa Paris pa! Yayamanin! Pero bago ang kanilang kasal, sigurado na kaya na wala na silang atrasan? Alamin ang kanilang revelations dito sa bagong hearing ng Your Honor. #BaninayBautista #BontBryanOropel #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Miss Flawless kung siya’y tawagin, kaya nga kahit kalaban niya sa politika, gusto siyang gayahin! Pati ang titulo niyang Miss Flawless, may nang-aangkin. Pero mula noon hanggang ngayon, siya’y patuloy na ligawin! Kahit ilang chismis at kontrobersiya ang batuhin, ang record niya ay flawless pa rin! Ang mga sikreto ng O.G. Miss Flawless, ANGELICA JONES, ma-re-reveal na sa Your Honor! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Birthday ni MADAM CHA! Kaya bukod sa BFF niyang si Vice Chair Pro Tempore MIKOY MORALES, dadalo rin sa ating hearing rin ang dalawang taong pinakanakakaalam ng kanyang mga sikreto—ang SOLOMON TWINS, FOURTH and FIFTH! Huwag palampasin ang rare sighting ng kambal at ng panlalaglag nila sa ate nila at sa isa’t isa na rin! Huwag papalinlang sa maaamo nilang mukha! Hindi lang isa sa kanila ang may pinagawa! #FourthSolomon #FifthSolomon #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 00:53 Paano naging Fourth at Fifth sina Robert at Bobby? 06:41 Oath Taking 07:27 ISYU: Ano ba ang feeling ng may kakambal? 14:09 Nagpalit na ba sina Fourth at Fifth bilang Fifth at Fourth? 19:24 Paano naging “Before and After” sina Fourth at Fifth? 22:44 Paano nakapasok sina Fourth at Fifth ng PBB? 27:04 Coming out ni Fifth sa PBB 35:32 Fourth as a family man 37:49 Paano si Madam Cha bilang Ate RG? 43:13 Executive Whisper 49:57 Batas For The Week Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hate ni Heart Evangelista manumpa sa korte, pero handa na siyang humarap sa Your Honor para i-reveal ang kanyang heartbreaks sa mga dati niyang friends. Kaya ngayon, mas gugustihin na lang niyang magpakagat sa garapata kesa magkaroon ng red flag friends. Full of feelings si Heart sa hearing, so don’t miss this kung ayaw niyo mahuli sa chismis! #HeartEvangelista #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 01:23 Mga incriminating evidence kay Heart 12:45 Oath Taking 13:41 ISYU: Friendship red flags 20:11 Mahirap ba maghanap ng friends bilang Heart Evangelista? 30:11 Mga friendship green flags ni Heart 35:36 Friends ba si Heart with her exes? 43:53 Executive Whisper 46:58 May pa-blind item si Heart! 51:31 Batas For The Week Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Matagal nang tinatanong sa mga beauty pageant kung alin ba ang mas mahalaga: beauty or brains? Kaya once and for all, sasagutin na iyan ni Divine Tetay! At pagdating sa pag-ibig, gumagana pa rin kaya ang kanyang utak kung baliw siya magmahal? At bakit absent si Mr. Vice Chair Buboy? Don’t skip the hearing kasama sina Divine at Vice Chair Pro Tempore Mikoy Morales dito lang sa Your Honor. #DivineTetay #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nasa tanggapan ng Your Honor ang Goddess of Philippine Comedy, Nova Villa! 80 years old na si Tita Nova pero punong-puno pa rin siya ng energy. Punong-puno rin siya ng baong chika tungkol sa mga leading man niya. Sa ating bagong hearing, ibabahagi niya ang kanyang nakakaaliw na mga senior moments at mga kuwentong siguradong makaka-relate ang lahat. Sabi nga ng ating mga lolo’t lola, “Papunta ka palang, pabalik na ako.” #NovaVilla #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sinabihan ng mga magulang ng jowa na porn star. Inirapan ng kapwa babae dahil jinudge na boyfriend stealer. Ito ang mga sumpang naranasan ni Maui Taylor bilang sexy star. Pero excuse me! Edukada siya, hindi pumapatol sa indecent proposal, at higit sa lahat, may wax figure sa STARtista Gallery! Pakinggan ang mga hinaing ni Maui sa atong bagong hearing. Ihanda ang mga pamaypay, at baka mainitan! #MauiTaylor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Malakas mang-asar ang mga komedyante, pero paano kung sila na ang inasar? May karapatan din ba silang ma-offend? Depende siguro kung komedyante ka rin tulad ni GB Labrador, o kung bibigyan ka ni Roger Naldo ng "N-word pass." Sinubpoena namin ang KoolPals para sa isang riot at laugh trip na hearing. Ang toxic na ng world, guys. Kailangan natin ‘to! #TheKoolpals #GBLabrador #RogerNaldo #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals@ Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Lahat ibibigay ni Donita Nose para sa taong mahal niya. Kahit ipag-grocery ang pamilya ng jowa niya, gow! Kahit ibigay niya ang kidney ng kapatid niya, walang problema! Basta, masaya sila. Pero hindi ba masama ang magmahal nang sobra-sobra? Paano kung wala nang matira? Kung ganito ka magmahal, para sa’yo ang hearing na ito! #DonitaNose #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 00:51 Grabe ang glow-up ni Donita Nose! 14:57 Mrs Universe Ambassadress ang ating Madam Chair! 17:56 Oath taking 18:30 ISYU: Masama bang magmahal nang sobra? 23:21 Bakit hindi nagtatagal ang mga relasyon ng bakla? 33:18 Paano ba si Donita as a girlfriend? 45:08 Executive Whisper 50:39 Batas For The Week Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sinubpoena ang low-key couple na sina Inah de Belen at Jake Vargas para imbestigahan ang kanilang live-in set-up. Mas okay ba talagang mag-live in muna bago ikasal? Totoo bang doon mo makikilala ang ugali ng partner mo? Paano kung laking-may-yaya si girl at nonchalant si boy? Kung curious ka o sadyang usisera ka lang, maki-hearing ka na at alamin ang buhay live-in partners nina Inah at Jake. #JakeVargas #InahDeBelen #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 01:05 Prince of Mall Shows, Jake Vargas! 07:38 Paano nagsimula ang love story nina Jake at Inah? 11:05 Oath taking 11:38 Sino ang unang nag-”I love you” kina Inah at Jake? 20:39 ISYU: Mas OK bang mag-live in muna bago ikasal? 27:36 Magpapakasal ba sina Jake at Inah? 33:15 Jake Vargas, nonchalant pa rin pag lumilindol 40:00 Nag-break pala sina Jake at Inah? 47:41 Executive Whisper 51:23 Batas For The Week Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sinetch itey?! Sikat na radio DJ na may makulay na buhok ang nagpunta sa House of Honorables para mag-splook ng intriga, blind item at iba pang mga exclusive chika sa showbiz. Huwag na magpahuli, mga marites! Alamin ang mga maiinit na pasabog ni DJ Jhai Ho sa bagong hearing ng Your Honor! #DJJhaiHo #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 01:00 Start of Session: Ang inner Kapuso ni DJ Jhaiho! 10:53 Nag-audition pala si DJ JhaiHo sa Bubble Gang? 15:30 Oath taking 16:14 ISYU: Masama bang makisawsaw sa isyu ng iba? 32:24 Blind Item #1: Sinetch itey na waley ang acting? 36:09 Blind Item #2: Sinetch ang ateng taeng-tae sa atensyon? 39:29 Sino ba yung mga artistang hindi bumabati? 46:55 Executive Whisper 51:56 Batas For The Week 52:46 Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Soafer solid ang friendship nina Inah Evans at Krissy Achino. Tipong magkasamang mag-ibig sa bar, magsapakan sa gabi, tapos besties ulit pagdating ng umaga. Pero may isang bagay na puwedeng sumubok sa kanilang samahan: politika. Say ni Inah, kapag nangurakot si Kagawad Chino, may totoong sapak siyang aabutin! Kaya ang tanong: sapat bang dahilan ang politika para mag-friendship over?. #InahEvans #KrissyAchino #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 01:05 Start of Session: Kris Aquino at Roderick Paulate, nasa Your Honor?! 11:16 Oath taking 11:53 ISYU: Friendship over na ba kung magkaiba kayo ng sinusuportahan sa politika? 16:17 F.O. raw ni Inah si Chino kung mangurakot siya? 22:57 Jojowa ba sina Inah at Chino ng 27:13 Tipid tips sa inuman nina Inah at Chino 35:27 Nagsapakan sina Inah at Chino? 41:16 Mataas ba ang ere ng mga content creator? 46:55 Executive Whisper 51:56 Batas For The Week 52:46 Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Situationship. Exclusively dating. I like you, you like me, eh ‘di tayo na. Ganito na raw ang dating scene sa mga Gen Z ngayon. Sinubpoena ng Your Honor ang Gen Z love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay para paaminin kung totoo bang hindi na talaga uso sa kanila ang ligawan. At siyempre, paaminin din sila nina Madam Cha at Vice Chair Buboy tungkol sa status nila. #SofiaPablo #AllenAnsay #TeamJolly #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 00:53 Start of Session: Puwede nang uminom sina Sofia at Allen! 11:08 Oath taking 12:12 Ano ang pinagkaiba ng ligaw at situationship? 18:00 Paano ba ang ligawan sa mga Gen Z? 22:34 Nanliligaw na ba si Allen kay Sofia? 29:58 Iniwan ba ni Sofia si Allen sa ere after PBB? 36:10 Sino ang nam-block kay Sofia sa socmed? 40:08 Proud ka ba maging Gen Z? 42:08 Executive Whisper 45:29 Batas For The Week 49:20 Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa SikSixth anniversary ng YouLOL, bibisitahin tayo ng isang leading man na siksik sa humor at sex appeal, Empoy! At bilang ultimate leading man, paano kaya niya sasagutin ang tanong na—Bakit ang unfair ng mundo sa mga pangit? Abangan kung paano pinakilig ni Empoy si Madam Cha sa napakasuwabeng session ng Your Honor! #Empoy #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Habulan. Iyakan. Sigawan. Laglagan. Revelation after revelation. Gobyerno pa ba ito o teleserye? Kung ang sikat na lawyer at stand-up comedian na si Atty. Ed Chico ang tatanungin, comedy show ang nangyayari sa ating gobyerno. Sa daming nakakainit nang ulo na nangyayari sa politika, itawa muna natin ‘yan dito sa isa namang riot na hearing sa Your Honor. #AttyEdChico #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 00:58 Start of Session: Unang Lawyer na Stand-Up Comedian sa House of Honorables 05:29 Dapat ba natin pag-awayan ang politika? 10:07 DDS o Kakampink ba si Atty Ed Chico? 13:06 Oath taking 14:56 ISYU: Bakit comedy ang politika sa Pilipinas? 20:07 Drama sa Senado 29:20 “Avengers” sa Senado 31:02 Romcom sa Senado 32:36 Pagtatrabaho ni Atty. Ed Chico para kay Miriam Defensor-Santiago 37:12 Bobo ba ang mga artistang pulitiko? 39:51 “Authentic” ba ang mga politiko? 45:16 Executive Whisper 49:42 Batas For The Week 51:19 YouLOL SikSixth! 52:04 Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Palakad-lakad lang si Fonz noon sa mga mall in his makapal foundation baka sakaling ma-discover siya ng talent agent. PLOT TWIST! Years later, isa na siyang ganap na artista! Mula sa kanyang mga nakakalokang social media content hanggang sa totoong buhay, usisain natin sa Your Honor kung paano minanifest ni Fonz ang mga plot twists na dati ay pinapangarap lang niya. #Fonz #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 - Episode Highlights 00:50 - Start of Session: Mga plot twist sa utak ni Fonzi 04:08 - Artista na si Fonzi! 06:26 - Ano ang plot twist ni Fonzi sa love life nina Derrick at Elle, Mavy at Ashley 07:47 - Oath taking 08:22 - ISYU: Dapat mo bang isulat ang sarili mong plot twist? 11:03 - Teleserye tropes with a twist! 16:35 - Paano na-discover ni Kris Aquino si Fonzi? 21:30 - Bakit ang malas ni Fonzi sa mga auditions? 33:31 - Barista at insurance agent era ni Fonzi 37:06 - May plot twist na ba sa puso ni Fonzi? 41:13 - Executive Whisper 46:33 - Songerist din si Fonzi! 47:40 - Batas For The Week 49:06 - Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Init na init na ba kayo?! Naku! Kahit diligan man tayo ni Sang’gre Adamus ngayong hearing, hindi pa rin mapapawi ang hotness at angas ni Kelvin Miranda! Pero hindi lang yan ang dala niyang init! Matitikman rin ng mga scammer ang kanyang nag-aapoy na galit! Kaya maghanda ng pamaypay para sa hot na hot na bagong hearing ng Your Honor! #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals #KelvinMiranda 00:00 - Episode Highlights 00:55 - Start of Session: Papadilig ka ba kay Kelvin Miranda? 02:53 - Pagtatapos ng Encantadia Chronicles: Sang’gre 03:57 - Bakit BUMAKAT ang brilyante ni Kelvin? 07:43 - Oath taking 08:23 - ISYU: Na-mi-misinterpret daw ang pagkamaangas ni Kelvin Miranda 10:10 - Ginagaya ba ni Kelvin Miranda si Daniel Padilla? 14:00 - Bakit ba attractive ang mga bad boy at mga misteryoso? 20:27 - Sino ang artistang agresibong lumandi kay Kelvin Miranda? 27:56 - Magkano ba ang indecent proposals kay Kelvin Miranda? 30:48 - Pinaghubad si Kelvin ni “Ms. Annette”? 38:21 - Kelvin Miranda reads thirst comments! 43:15 - Executive Whisper 47:08 - Batas For The Week 48:40 - Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sabi ng ating Hot Maria Clara, she’s like a kotseng magara, don’t need a mekaniko. Pero teka, mukhang may nagme-mekaniko na sa puso ni Danaya. At may pa-promise ring pa! Kiligin sa never-before-heard first love stories ni Sanya Lopez sa bagong hearing ng Your Honor! Curious kayo sino si Mr. Promise Ring? Eh ‘di watch na! #SanyaLopez #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 - Episode Highlights 00:59 - Start of Session: Suot ba ni Sanya Lopez ang promise ring niya? 06:42 - Nag-train si Sanya Lopez maging entertainer sa Japan? 19:42 - Oath taking 20:30 - Malungkot ba ang mga komedyante? 22:30 - ISYU: Bakit matamis ang unang pag-ibig? 25:57 - I-re-reveal na ba ni Sanya Lopez si Mr. Promise Ring? 33:42 - Bakit natatakot magjowa si Sanya Lopez? 45:30 - Executive Whisper 50:41 - Batas For The Week 52:33 - Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Pinatulan ni Joy Barcoma ang ating subpoena para depensahan ang kanyang pagiging patola. Mula sa mga bashers, fake news, hanggang pag-ban sa Roblox, hindi nakakaligtas sa kanya. Pati sa mga nagsasabing bully siya, may clapback si Jusa! Juicy! I-click na at panoorin ang mainit pero napakasayang hearing dito sa Your Honor! #JoyBarcoma #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 - Episode Highlights 01:14 - Start of Session 03:40 - Sino ba ang “Pambansang Jusa”? 11:32 - "Your Honor's" Oath Taking 12:12 - ISYU: Patola ba si Joy Barcoma? 14:37 - Bully ba talaga si Joy Barcoma? 22:15 - Paano ang childhood ni Joy Barcoma? 30:50 - Mga isyung Papatulan (Pagtaas ng presyo ng Gasolina, Pag-ban ng Roblox) 45:07 - Executive Whisper 48:46 - Batas for the Week Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Miguel Tanfelix, na-scam sa Brazil?! Pero imbis na umatras, lalo pang lumakas ang loob ni Miguel mag-adventure mag-isa. Iba ang thrill! Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin ang mga adventures ni Miguel at ma-inspire kung bakit minsan kailangan natin mag-me time.#SassaGurl #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals 00:00 Episode Highlights 00:49 Start of Session 04:59 Nabasted na ba si Miguel Tanfelix? 10:53 Tinatawag pa rin bang “Pagaspas” si Miguel? 12:20 Oath Taking 12:38 ISYU: Masaya ba talaga mag-me time? 14:51 Paano naging tour guide nina Kokoy at Buboy si Miguel nung Running Man? 17:55 Ano ang benefits ng solo travel para kay Miguel? 19:59 Bakit Latin America ang favorite ni Miguel? 25:56 Na-scam si Miguel sa Brazil? 30:52 Bakit nakaka-guilty mag-me time habang tumatanda ka? 34:02 Paano naghanda si Miguel para sa Planet XP? 38:57 Magkasabwat sina Miguel at Mr. Vice Chair sa paparating nilang serye? 42:32 Executive Whisper 45:13 Batas For The Week 47:17 Outro Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Iniwan na ba tayo ni Sassa Gurl sa kanal? Ayon sa kanya—never! Certified baklang kanal pa rin siya. Dala-dala ni Sassa ang kakanalan niya mula sa mga panahong nakikipag-riot at umaawra pa siya sa mga constru hanggang ngayon na nakikipag-syala na siya kina Marian Rivera at Nadine Lustre. Asahan ang isang wild, puno ng katatawanan, at no-filter na bagong live session ng 'Your Honor.' Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Hindi malaman ni Mr. Vice Chair Buboy kung magagandahan o magaguwapuhan ba siya sa mga drag queens na sina Precious Paula Nicole, Viñas Deluxe, at Brigiding. Kasi in and out of drag, very crushable ang Divine Divas, lalong-lalo na sa kanilang pakak na confidence! Nakaipit na nga, magsi-split pa! Learn the art of pakapalan ng fez straight from the queens dito sa bagong live session ng Your Honor! Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Our live session is back! May pa-audience ang ating hearing kasama si Sexbomb Sugar Mercado. Ang dating “crying lady” ng 'Eat Bulaga,' ngayon ay Mrs. Universe Official na! Take note: international title! Pak! Ang palaging pinagtitripan ng tukso noon, iyakin pa rin ba hanggang ngayon? Nandito si Sugar para ipagtanggol ang sarili at sagutin ang tanong: Mahina ba ang mga taong iyakin? #SugarMercado #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
How To Be Sosyal Rule #1: Bawal lumukot ang mukha kapag tumatawa. Rule #2: Mangulangot sa labas, huwag sa loob. Rule #3— wait, andami namang rules! Ang hirap namang magpakasosyal nang hindi nagmumukhang trying hard! Buti na lang nandito si Poca para tulungan tayong sagutin ang tanong na: Masama nga ba talagang maging social climber? #Poca #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Aminadong clingy sa isa’t-isa ang mag-tropang komedyante na sina Abdul at Marsy. Mula sa pep squad, sa paggawa ng content, sa mga raket—pati yata sa mga indecent proposal, dapat magkasama sila! Nag-guwapuhan si Abdul kay Marsy, madalas mag-I love you si Marsy kay Abdul. Kaya sa mismong araw ng kasal ni Abdul, iimbestigahan natin kung dapat na bang kabahan ang kanyang misis. Bromance lang ba ang meron sila o more than pa? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nawindang ang buong bansa nang i-reveal ni AJ Raval na lima na ang anak niya. Pero bakit ang fresh-fresh pa din niya? Ang sikreto - sanay na si AJ sa malaking pamilya. 18 lang naman sila magkakapatid. Yes, 18! Sa bagong masayang hearing ng Your Honor, tuklasin ang kuwento ng napakalaking family tree ng Raval clan. #AJRaval #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sa sobrang OA ni Xyriel Manabat, pati height niya pinagkadiskitahan. Sa pagka-OA naman ni Esnyr, mula cameo role, naging best friend pa siya ni Belle Mariano. In-OA-han talaga nila ang atake para sumakses. Ikaw, OA ka rin ba? Sa House of Honorables, isang OA na hearing ang magaganap para imbestigahan ang isyung: Is it okay to be OA? #XyrielManabat #EsnyrRanollo #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Kontrabida roles? No! Sex scenes? No! Aminado si Alessandra de Rossi na nasasabihan siyang difficult dahil prangka siyang magsabi ng “no.” Pero pagdating sa family and friends, yes person naman siya. Ikaw, yes person ka ba? O nahihirapan kang humindi? Sa bagong session ng 'Your Honor,' pag-usapan natin ang mga dahilan kung bakit minsan mahirap at minsan madali magsabi ng "no." #AlessandraDeRossi #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
First time ni Vince Maristela na walang ka-date ngayong Valentine’s. Si Sean Lucas naman, nakikipag-hangout na lang kasama ang mga tropa niyang single. Hindi na raw big deal sa kanila ang pag-celebrate ng Valentine’s Day. WEH? Sinong niloloko nila? Sa bagong hearing ng Your Honor, alamin natin kung ang Valentine’s Day ay araw ng mga puso o isang sakit sa ulo. #SeanLucas #VinceMaristela Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Shookt si Ashley Ortega dahil umabot ng 15K ang kanilang kuryente kahit dalawa lang sila ni Shuvee Etrata sa bahay. Girl, sign ‘yan na adult ka na talaga! Kinakabahan ka na sa bills! Taas-kamay ang mga nakaka-relate at sumama na sa hearing tungkol sa mga nakaka-stress na moments sa adulting life. Pakinggan ang mga kuwento ni Ashley kung paano siya napilitang maging independent girl mula nang, in her words, siya'y naglayas. Usapang adulting in love, friendships, and self-growth dito lang sa Your Honor! #AshleyOrtega #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nasa tita era na ang Sexbomb Girls pero kabog na kabog pa rin sila! Samahan sa hearing sina Mia Pangyarihan at Sunshine Garcia na kahit aminadong amoy liniment oil, adik sa milk tea, at suki sa shabu-shabu ay sexy pa rin. Dahil para kina Mia at Sunshine, iba na ang pagiging sexy sa tita era. Kung ano ang sikreto nila, aba manood kayo. Pramis, laugh trip ‘to! #SunshineGarcia #MiaPangyarihan #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Mula sa love life ni Barbie Forteza hanggang sa future ni Carla Abellana, may hula si Madam Rudy Baldwin. Sabi ni Madam, “bloody year” daw ang 2026. Gaano kaya ka-bloody!? Alamin ang kanyang mga babala at predictions sa ating bansa at sa mga kilalang showbiz personalities dito sa special hearing ng 'Your Honor.' #RudyBaldwin #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Nagla-like siya sa sexy photos ng iba. Gumagamit siya ng dating app. Nakikipag-chat siya sa iba. At may flirtatious vibe pa sa kausap. Nago-overthink ka lang ba o may malisya talaga si jowa? Micro-cheating ang tawag ng iba sa ganitong galawan. Pero sapat na ba ito para makipaghiwalay? Imbestigahan na ‘yan sa bagong hearing ng Your Honor kasama sina Arra San Agustin at Mikoy Morales. #MikoyMorales #ArraSanAgustin #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
‘Yung mga Korean guys, totoo bang suplado pero pasimpleng sweet kagaya sa K-Drama? Totoo bang may pa-piggyback ride sila kapag tipsy si girl? Eh ‘yung pagshi-share ng payong habang umuulan? Parang ang sarap magmahal ng mga Koreano! Pero true ba ang mga ito o eksena lang? Iko-confirm ni Dasuri Choi ang inyong K-Drama fantasies sa bagong hearing ng 'Your Honor.' #DasuriChoi #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Sabi nila, try and try until you succeed. Pero paano kung hindi ka talaga sumakses? Real talk tayo sa session na ito dahil minsan may mga goals talaga na napakahirap ma-achieve. Sinubpoena namin ang 2025 Top New Solo Podcaster sa Spotify na si Sophie Prime para pag-usapan ito at sagutin ang tanong: ipu-push mo pa rin ba ang pangarap mo o magmo-move on ka na? #SophiePrime #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Tuwing Pasko, pet peeve ni Euleen Castro ang makatanggap ng tuwalya sa exchange gift—kasi hindi kasya! Si Kevin Montillano naman, may kondisyon bago magbigay ng aguinaldo—dapat alam mo ang SSS number niya! Masaya dapat ang Pasko, pero aminin, may mga bagay talagang kuhang-kuha ang gigil mo. Kaya samahan sina Yobab at Kevin sa isang laugh trip na kuwentuhan tungkol sa mga bagay na dapat i-ban tuwing Pasko. #EuleenCastro #KevinMontillano #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
No filter sa pag-share si Kylie Padilla ng kanyang mga struggles sa co-parenting. May juicy revelations pa! Mula sa hatian sa oras, pera, at pagdidisiplina – idagdag mo pa ang hugot ng mag-ex sa isa’t-isa – lahat ito pinagdaanan ni Kylie. Kaya maki-chika na sa live session ng Your Honor! #KyliePadilla #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
ONE YEAR na tayo, mga Honorables! At para i-celebrate ang ating anniversary, may LIVE hearing ang Your Honor. Napaka-juicy ng ating iimbestigahan dahil maglalabas ng saloobin ang ating resource person na si Paolo Contis sa mga bashers. Ang mga mema sa mundo, dapat ba nating hatulan, patulan, o hayaan na lang? Maki-cheers na dito sa Your Honor! #PaoloContis #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Akala ni Lovely Abella na mayaman si Benj Manalo bagong naging sila dahil anak siya ni Jose Manalo. Pero mali pala siya. Kaya napatanong si Lovely: papakasalan ko ba talaga ‘to? Marami na silang pinagdaanang money problems, kaya sila ang ating tatanungin: kailan nakakasira at kailan nakakatibay sa isang relasyon ang pera? Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
Pinatibay ng bullies ang ating resource person, ang sikat na comedian at influencer na si Pipay. Imbes na magtanim ng galit, ginamit niya ang panlalait bilang sandata sa pagpapatawa. Pero ano ba talaga ang magandang atake sa bullies? Dapat ba silang patulan o dedmahin? Pakinggan ang hatol ni Pipay sa isa na namang masaya at malamang chikahan sa Your Honor. #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
GET! GET! AAAW! Kung pinalaki ka ng SexBomb, para sa’yo ang hearing na ‘to. Sa kanilang 40s, laban na laban at hindi pa rin bumabawi sina SexBomb Aira at SexBomb Jopay hindi lang sa talent, kung 'di pati sa sex appeal! Iba pa rin talaga ang karisma ng mga dancer na ito! Kaya pati ang mga partner nila, mga dancer din, at maging sa love life ay kumakaldag pa rin! Alamin ang kanilang sagot kung bakit sinasabing “basta dancer, sexy lover” sa video na ito! #SexbombJopay #SexbombAira #YourHonor #YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.
“Ganda ka teh?” Eh sino bang nagsabi na magaganda lang ang pinagpala? Sanay na sanay na si veteran journalist at TV host Susan Enriquez sa harap ng kamera pero kahit siya ay hindi nakaligtas sa bashers ng kanyang face card. Pakinggan ang hatol ni Mommy Su sa mga judgmental sa bagong hearing ng Your Honor! Join na sa kuwentahan. Kay Susan tayo! #SusanEnriquez #YourHonor#YouLOLYourHonor #YouLOLOriginals Hosted on Acast. See acast.com/privacy for more information.