Raqi’s Secret Files cover

Raqi’s Secret Files

Love Radio Manila

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

The program reflects various realities of the world that may create a sense of belonging, relatability, and controversies. Raqi’s Secret files was inspired by the trend “confession” pages on Facebook. We’ve seen that there is a huge buzz created by these confessions — from its contributors all the way to its community. We’ve thought of carrying that trend from online to on-air, retaining the same level of anonymity, giving the story a voice. Listeners who desire to relieve a bit of their burden are encouraged to send their stories, making the program, Raqi’s Secret Files a safe haven to tell their secrets.

Suki ako ng extra service sa spa

0:00 0:00

Episodes

Suki ako ng extra service sa spa 03 Nov 2026

Ito ang secret file ni Brian.

May batang sumusunod sa‘kin sa ospital 02 Nov 2026

“Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang kanyang asawa. Sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi, may nakita siyang batang lalaki na napakaputla ng mukha at kakaiba ang ngiti sa loob ng banyo. Ngunit mas nakakatakot ang sumunod na nangyari nang maramdaman niyang tila may puwersang kumokontrol at humihila sa kanya. Isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding takot at nag-iwan ng misteryong hindi niya madaling makalimutan. Ito ang secret file ni Belinda.

Muntik akong patayin sa sindak ng amo ko 01 Nov 2026

“Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”. Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga nakasampay na damit bago umulan. Pagbalik niya, biglang nawala ang sanggol kaya agad siyang nag-panic at kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya—mula sa posibilidad na may kumuha sa bata hanggang sa mga kuwentong may kinalaman sa maligno. Sa gitna ng malakas na ulan, takot at pangamba ang kanyang naramdaman, lalo na’t iniisip niyang maaaring mawalan siya ng trabaho. Pero ang mas nakakakaba, ang pag-amin niya sa amo tungkol sa pagkawala ng baby ay may kasunod na isang hindi niya inaasahang pangyayari. Ito ang secret file ni Tessa.

Limang tao ang nagtanggal ng daliri niya sa leeg ko 29 Oct 2026

“Iba't ibang babae. Iba't ibang conversations. Tinuruan niya ako kung paano maging isang mahusay na kabit.” Ibinahagi ng sender ang nakakatakot na karanasan niya sa kanilang bagong kusinera, na noong una ay masipag, mabait at masayahin. Pero isang gabi, matapos ang isang handaan, bigla itong nagpakita ng kakaibang kilos at nakakatakot na pagbabago sa pagkatao. Sa harap ng kanilang mga mata, tila ibang nilalang na ang kumokontrol sa kusinera, dahilan para manginig sa takot ang buong pamilya. Isang pangyayaring mag-iiwan sa kanya ng matinding takot at maraming tanong tungkol sa tunay na nangyari sa kanilang bahay. Ito ang secret file ni Chona.

Kung susunduin mo na ako, sasama ako sa‘yo 28 Oct 2026

"Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi. Ang alam ko lang, natatawagan niya ako sa cellphone ko. Kung sakaling tatawag siya, sasagot ako, at kung susunduin niya ako, sasama ako agad." Ibinahagi ng sender ang namumuong relasyon sa kanila ng isang lalaking hindi niya alam kung tunay ba o hindi. Misteryoso ang pag-ibig, pero paano kung ang lalaking iniibig mo mismo ang siyang nababalot ng misteryo? Ito ang secret file ni Maripaz.

Nakita ko ang isang nilalang na hindi ko inakalang totoo 27 Oct 2026

"Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi." Ibinahagi ng letter sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file ni Christian.

Muntik na kaming hindi makalabas nang buhay 26 Oct 2026

"Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi." Ibinahagi ng sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file Christian.

Handa akong maging kabit ng isang hot mommy 25 Oct 2026

"May anak na pala 'yung crush ko, pero nalaman ko rin na 'di sila okay ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya. Nagloko raw kasi 'yung lalaki. Ano naman kung magloko rin siya, 'di ba?" Ibinahagi ng sender, isang water delivery boy, na 'di niya mapigilan ang paghanga niya sa customer niya. May anak man ito, nais pa rin niyang maging bahagi ng buhay nito. Ito ang secret file ni Jamie.

Ka-esmiringhoy ko sa sasakyan ang aking kalandian 22 Oct 2026

"Arab man si Mr. A. Mahigpit dito sa Middle East, kaya 'di talaga kami p'wede. Pero kapag umibig ka minsan, madadala ka talaga ng damdamin mo. Sa tindi ng pananabik namin sa isa't-isa, may mga pagkakataong may ginagawa kami sa loob ng sasakyan niya. Naulit ito nang ilang beses." Ibinahagi ng letter sender na lintik talaga ang pag-ibig! Kung ano-anong nagagawa niya para rito–umabot pa sa puntong nakipag-esmiringhoy siya sa sasakyan ng kaniyang kalandian! Ito ang secret file ni Jane.

Ginamit niya ang sexy pictures ko pang-blackmail 21 Oct 2026

"Sinabi niya na kung totoong mahal ko siya mag-send daw ako ng sexy pictures. Nag-send ako dahil mahal ko naman.." Ibinahagi ng letter sender ang karanasan niya sa kaniyang toxic boyfriend. Ang mga litratong para sa mata lang ng taong mahal niya ay ginagamit ngayon pang-blackmail sa kaniya. Ito ang secret file ni Mia.

Nabuntis ko ang kabit ko kaya pinakasalan ko siya 20 Oct 2026

"Alam kong mali kasi meron akong jowa, pero hinayaan kong may mangyari sa aming dalawa nung babaeng 'yun. Ayun, nabuntis siya." Ibinahagi ng letter sender na minsan, nananaig talaga sa lalaki ang tawag ng laman. Bakla man siya at in a relationship sa kapwa niya lalaki, 'di pa rin niya napigilang magkaroon ng kabit na babae. Ngayon, buntis ang kabit niya at wala siyang choice kun'di pakasalan ito. Ito ang secret file ni Paul.

Sa‘yo ang Sabado ko kahit hindi ka akin 19 Oct 2026

"Okay lang kahit masakit. Okay lang kahit kaibigan lang ang pwesto ko sa buhay niya. Basta ako ang nagiging sandalan niya." Ibinahagi ng letter sender na may mga tao sa buhay natin na hinding-hindi natin kayang iwasan. Ang isang babae ito para sa kaniya. Kahit kasal at pamilyado na ito, 'di niya mapigilan na ialay lahat ng kaniyang oras para rito. "Best friends" lang sana, pero 'di alam ni Lorraine, may malisya na ang lahat para sa kaniya. Ito ang secret file ni Gabby.

Ayoko nang mag-overtime dahil munti na akong mamatay 18 Oct 2026

Dahil sa dami ng trabaho sa paaralan, madalas mag-overtime ang letter sender at nakakalimutang kumain. Isang gabi, dahil sa sobrang gutom, lumabas siya para maghanap ng mabibilhan ng pagkain. Pero sa halip na makabili agad, napahamak pa siya—nakatapak ng ebak, nadapa sa butas, at muntik pang mabangga ng motor! Sa sobrang dumi at gulo ng kanyang itsura, pati tindera at security guard ay natakot sa kanya. Mula noon, natuto na siyang huwag abusuhin ang katawan at laging magbaon ng pagkain. Dahil sa paghahanap ng pantawid-gutom, muntik pa siyang mapagkamalang multo! Ito ang secret file ni Laura.

Nakipag-one night stand ako sa katrabaho ko 15 Oct 2026

Isang pagkakamali ng sender ang nangyari sa kanila ng katrabaho matapos ang isang gabing puno ng alak at emosyon. Pero nang malaman niyang buntis siya, saka niya unti-unting natuklasan ang mas masakit na katotohanan—may nililigawan ito at pinagpustahan lang siya ng mga kasamahan nito. Sa gitna ng takot at pagtataksil, natutunan niya na hindi lahat ng tao na pinag kakatiwalaan natin ay may mabuting intensyon. Ito ang secret file ni JC.

Ginawa kong kabit ang rider ko 14 Oct 2026

Pagod na ang letter sender sa relasyon nila ng boyfriend niyang walang malinaw na pangarap sa buhay, kaya nang makilala niya ang isang pogi at maalagang Move It rider, unti-unti siyang nahulog dito hanggang nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng boyfriend niya. Pero ang akala niyang bagong pag-ibig ay puno rin pala ng kalituhan—walang label ang relasyon nila, at minsan ay bigla na lang nawawala ang lalaki. Ngayon, hindi niya alam kung ipaglalaban pa ba niya ang relasyong walang kasiguraduhan o kung panahon na para piliin naman ang sarili niya. Ito ang secret file ni Yuri.

Sa motel namatay ang asawa ko 12 Oct 2026

Halos 12 taon naging masaya ang pagsasama ng letter sender at ng asawa, kaya labis ang sakit nang matuklasan niyang may ibang babae pala ang mister niya. Ang mas masakit, sa mismong araw ng pagkamatay nito, natagpuan niya ito sa isang motel kasama ang babaeng matagal na niyang pinaghihinalaan. Naiwan sa kaniya ang maraming tanong, sakit, at panghihinayang dahil hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap at magpaalam nang maayos. Sa kabila ng pagtataksil, mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa lalaking nakasama niya sa loob ng maraming taon. Ito ang secret file ni Kaye.

Sa sobrang excitement, ibang AFAm ang nayakap ko 11 Oct 2026

Halos anim na buwan nang magkasintahan ang letter sender at ang kanyang foreigner boyfriend, pero online at video call lang sila nagkakakilala. Kaya naman sobra ang excitement niya nang sa wakas ay dumating na ito sa Pilipinas. Sa sobrang sabik niyang mayakap ang nobyo, napayakap pa siya sa maling foreigner sa airport! Pero ang pinakahindi niya malilimutan ay ang tunay na pagkikita nila ng AFAM—na may nakakagulat na pagbabago sa itsura. Ngayon, hindi lang bakasyon sa Pilipinas ang kanilang pagsasamahan, dahil susunod na rin siya sa bansa nito para sa panibagong kabanata ng kanilang love story. Ito ang secret file ni Karen.

Sobrang wild niya at sarap na sarap ako 08 Oct 2026

Matapos ang masakit na breakup, muling nakahanap ng saya ang letter sender sa isang kaibigan niya. Nagsimula ang lahat sa simpleng utang, pero nauwi sa isang lihim na relasyon na hindi na niya kayang basta bitawan. Ang problema, may boyfriend na siya at maayos naman ang pagsasama nila. Ngayon, hati ang puso niya sa pagmamahal at sa isang lihim na nagbibigay sa kanya ng ibang klaseng saya—at hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang itago ang lahat. Ito ang secret file ni Yumi.

Apat ang jowa ko 07 Oct 2026

Ibinahagi ng sender na totoo nga ang sinasabi nila na "the more, the merrier!" Paano ba naman kasi, apat na lalaki ang sabay-sabay niyang minamahal at kinakausap. Hanggang kailan kaya niya mapapanindigan ang apat na jowa? Ito ang secret file ni Janna.

Tinago ko sa Boyfriend ko ang gabing iyon 06 Oct 2026

Ibinahagi ng letter sender na nagsinungaling siya para makapag-inuman kasama ang mga kaibigan. Pero sa gabing iyon, napalapit siya sa isang lalaki—isang katrabaho na matagal na niyang hinahangaan. Dahil sa kalasingan, nauwi sila sa iisang kama. Ngayon, nahaharap siya sa isang malaking tanong: aamin ba siya sa boyfriend o itatago ang gabing pilit niyang kinakalimutan? Ito ang secret file ni Sky.

Impyerno ang ipinaranas sa‘kin ng taong ipinagdasal ko 05 Oct 2026

Akala ng letter sender na sa wakas dumating na ang lalaking matagal niyang ipinagdasal. Minahal niya ito, pinili kahit may mga babala ang pamilya, at bumuo sila ng sariling pamilya. Pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, ang lalaking minsang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal ay siya ring naging dahilan ng paulit-ulit niyang pagluha at pagdurusa. Sa kabila ng dalawang anak at mga pangarap na gusto pa niyang buuin, ngayon ay nahaharap siya sa pinakamahirap na tanong: mananatili ba siya para sa pamilya, o pipiliin naman niya ang sarili niyang kaligayahan? Ito ang secret file ni Liz.

Lasing lang sana, pero... 04 Oct 2026

Isang masayang inuman sana kasama ang barkada ang nauwi sa isang nakakagulat na kalokohan. Habang lasing si ang letter sender, pinainom siya ng kaibigan niya ng isang basong hindi niya alam ang laman. Nang malaman niya ang totoo, nagulat siya pero nauwi rin sa tawanan ang lahat. Para sa kanila, barkada trip lang iyon—pero aminado silang hindi ito dapat gayahin dahil delikado at sobra na ang ginawa nila. Ito ang secret file ni Len-Len.

Mahirap ako, pero hindi ako gold digger 01 Oct 2026

Sa kabila ng wagas na pagmamahalan ni sender at ng kaniyang partner, naging hadlang ang pagtutol ng pamilya nito dahil sa agwat ng kanilang estado sa buhay. Nasaktan siya nang malaman niyang niloko siya ng partner at tuluyan niyang binitiwan ang kanilang relasyon. Ngunit ang hindi alam ng partner niya, may anak silang bunga ng kanilang pagmamahalan—isang lihim na apat na taon niyang itinatago habang nagsisikap bumuo ng sariling buhay sa ibang bansa. Ito ang secret file ni Aya.

May pagnanasa sa‘kin ang Boyfriend ng Mama ko 30 Sep 2026

Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento tungkol sa jowa ng kanyang nanay na may pagtingin din sakanya at palagi siya nitong pinagmamasdan sa tuwing dadalaw ito sa palengke. Ito ang secret file ni ISAY.

Humingi ng siya tawad sa kasalanang hindi niya ginawa 29 Sep 2026

Mapapa-sana all ka na lang talaga kasi 'yung ibang tao riyan, kahit kasalanan nila, wala kang sorry na makukuha! Hmp! Charot with harot! Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na! From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life. Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link: https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7 #BPWinnerStory #RealWinnersRealStories

Tatlong dekada niya akong hinintay 29 Sep 2026

Ibinahagi ng sender na for the longest time, ni-re-reject niya ang kaibigan niya. Hindi niya naman kasi type! Pero sa paglipas ng mahigit tatlong dekada, muling nagtagpo ang kanilang landas at doon niya napagtanto na ang taong lagi niyang itinutulak palayo ay matagal na palang naghihintay sa kaniya. Mapagbigyan niya kaya ang pag-ibig na may tiyaga? Ito ang secret file ni Hannah.

Nagpabembang sa iba si Misis kaya siya nabuntis 28 Sep 2026

Ibinahagi ng sender na masaya na ang pamilya nila ng asawa kasama ang dalawa nilang anak. Pero nang magtrabaho ang misis sa Batangas, unti-unting nagbago ang lahat. Nalaman niya na nagpabembang sa iba ang misis niya kaya nabuntis ulit ito. Matanggap niya kaya ang paghingi ni misis ng kapatawaran? Ito ang secret file ni Jimboy.

Hinarap ko ang pagsubok ng babaeng nakapulang bikini 27 Sep 2026

Ibinahagi ng sender na isang utos mula sa kaniyang ama ang nagsimula ng malaking pagsubok sa buhay niya. Isang sexy na babaeng nakapulang bikini ang bumungad sa kaniya dahil sa utos na ito!! Kayanin niya kaya ang hamon? Ito ang secret file ni Jepjep.

Anong kasalanan ko para pati mga anak ko ay magdusa? 27 Sep 2026

Wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam ng isang magulang na nakikita ang anak niyang nahihirapan. Gets na gets 'yan ng mga Kabisyo nating ginagawa ang lahat para sa mga anak nila! Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na! From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life. Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link:https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7 #BPWinnerStory #RealWinnersRealStories

Pinagbintangan niya ako na ginalaw ko raw siya 24 Sep 2026

Ibinahagi ng sender ang naging resulta ng pagmamabuting-loob niya—pinagbintangan siya ng kaibigan niya na ginalaw niya raw ang asawa nito. Ngayon, sira na ang relasyon nila at naiwan sa kanya ang isang tanong: bakit niya ang kailangang pagbayaran sa isang bagay na hindi naman niya ginawa? Ito ang secret file ni James.

Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit 'di pa rin sapat? 24 Sep 2026

Sabi nila, kung para sa'yo, para sa'yo. Kung hindi, ipilit mo! Hahaha! Charot with harot! Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na! From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life. Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link: https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7 #BPWinnerStory #RealWinnersRealStories

Nagbebemb*ng kami ng Ex ko habang may GF siya 23 Sep 2026

Ibinahagi ni Rhian na kahit 5 years na silang magjowa, hindi pa rin niya mahanap ang lugar niya sa buhay ng boyfriend niya. Ang mas masakit dito, nagkahulihan pa sila sa beerhouse. Sabi ng jowa niya, boys night out lang 'yun—hanggang kailan paniniwalaan ni Rhian ang white lies ng boyfriend niya at ng mga kaibigan nitn?

Napaluhod ako sa harap ng asawa ko dahil sa mensaheng natanggap ko 22 Sep 2026

Ano nga ba ang sukatan ng pagiging isang mabuting magulang? Hindi ka na ba mabuting ama kung hindi mo kayang ibigay ang lahat para sa iyong pamilya? Ikaw, anong kwentong BP mo? Comment na! From small wins to big wins, BingoPlus celebrates every facet of winning in life. Activate your millionaire energy and start manifesting your millionaire era, because every real winner has a real story - and the next story could be yours! Share your winning story now and receive up to ₱5,000 credits in rewards! Link: https://forms.gle/DtcxQxbffw543W6p7 #BPWinnerStory #RealWinnersRealStories

Isa akong sundalo na napalaban sa ibang bakbakan 21 Sep 2026

Ibinahagi ng sender, isang corporal ng Philippine Army sa Eastern Command ng Davao, ang kaniyang karanasan sa kakaibang bakbakan. Sabi nga nila, “All is fair in love and war,” at damang-dama niya ngayon ang kalupitan ng pag-ibig. May kakahantungan kaya ang paghahabol niya sa isang taong hindi sigurado sa kaniya? Ito ang secret file ni Sarge.

Natikman ko na ang marshmallow ng classmate ko 20 Sep 2026

Ibinahagi ng sender ang isang sikretong matagal niya nang itinatago—bata pa lang siya noon, pero natikman niya na ang marshmallow ng kaniyang kaklase! Ano kayang patutunguhan ng isang relasyong nabuo sa tikiman? Ito ang secret file ni Anna Joy.

Pinilit niyang ipalaglag ko ang anak namin 17 Sep 2026

Ibinahagi ng sender na ang taong itinuring niyang parang kuya ay may madilim pala na balak sa kaniya. Nang mabuntis siya nito, inakusahan pa siya ng lalaki na hindi raw sa kaniya ang anak kaya gustong itigil ang pagbubuntis niya. Hanggang kailan niya ipapahamak ang buhay niya at ng kaniyang pamilya? Ito ang secret file ni Jelai.

Naging Sugar Mommy ako for seven years 16 Sep 2026

Ibinahagi ng sender lahat. As in lahat, Kabisyo. Paano, eh, sugar mommy raw siya ng boyfriend niya! Umabot pa sa puntong nagpatayo siya ng motor shop dahil pangarap daw ito ng boyfriend niya, pero ibang babae na pala ang minemekaniko ng boyfriend niya. Sapat na kaya ang seven years para matauhan siya? Ito ang secret file ni Winnie.

Si Mama at Papa ang nasusunod sa kasal ko 15 Sep 2026

Ibinahagi ng sender ang kaniyang excitement tungkol sa nalalapit niyang kasal, pero mukhang hindi lang siya ang may plano! Ramdam na niya ang pressure ng kaniyang mga magulang—ang tanong, hanggang saan ba ang impluwensiya nila sa kasal niya? Ito ang secret file ni Aika.

Nakainom ako ng ipinagbabawal na gamot 13 Sep 2026

Ibinahagi ng sender na habang inaalagaan niya ang kapatid niyang na naka-confine sa ospital, isang poging nurse ang lumapit at binigyan siya ng asul na tableta. Ano kayang kahahantungan ng pag-inom niya ng ipinagbabawal na gamot? Ito ang secret file ni Paola.

Intern ako, pero si Manager ang sumisipsip sa‘kin 10 Sep 2026

Ibinahagi ng sender, isang 23-anyos na intern, na nagkaroon siya ng relasyon sa 55-anyos niyang manager. Hanggan saan kaya hahantong ang pakikipagrelasyon niya sa isang lalaking pamilyado na? Ito ang secret file ni Sofia.

Ikakasal na ako, pero mahal ko pa rin ang Ex ko 09 Sep 2026

Ibinahagi ng sender ang kanyang kwento ng tungkol sa mga naiwang emosyonal na sugat at mula sa nakaraang relasyon habang naghahanda sa pagsisimula ng bagong buhay kasama ang kanyang kasalukuyang fiancé. Hanggang kailan siya mumultuhin ng ex niya? Ito ang secret file ni Ann.

Si Biyenan ang kontrabida sa buhay namin 08 Sep 2026

Ang letter sender ay isang inang handang gawin ang lahat para mailigtas at ipaglaban ang kanyang anak, kahit pa harapin niya ang takot, hirap sa pera, at masasakit na salita mula sa sariling pamilya ng kanyang asawa. Sa kabila ng lahat, pinatunayan niyang walang pagsubok ang kayang tumbasan ang lakas ng pagmamahal ng isang ina. Ito ang secret file ni Lei.

Pinagsabay ko ang tropa at girlfriend ko 07 Sep 2026

Ibinahagi ng letter sender ang pagdadalawang-isip niya habang pinagsasabay ang kanyang girlfriend niya at ang katrabaho niya na pareho niyang minamahal sa kabila ng mga kinakaharap na komplikasyon. Hanggang kailan kaya siya magiging two-timer? Ito ang secret file ni Alex.

Nabighani ako ng misteryosong babae sa ilog 06 Sep 2026

Ang sender ay hindi inaasahang nakahanap ng pag-ibig matapos siyang mailigtas ng isang babae sa ilog. Dahil sa simpleng pagkakataong iyon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa isang magandang relasyon, kahit magkalayo sila at may kanya-kanyang responsibilidad sa pag-aaral. Ito ang secret file ni Ralph.

Pinapakain ako ng kamao ng Asawa ko 03 Sep 2026

Ibinahagi ng ating sender na nadali siya ng lalaking magaling lang sa umpisa. Habang tumatagal, ang taong pinakasalan niya ay nag-iibang anyo pala. Hanggang kailan niya papanindigan ang pagiging asawa sa isang taong hindi naman nirerespeto ang pagkatao niya? Ito ang secret file ni Lyka.

Nahuli siyang kumakanta sa mikropono ng ibang lalaki 03 Sep 2026

Ibinahagi ng ating sender ang kwento ng komplikadong sitwasyon niya—isa siyang kabit kahit alam niyang may asawa at pamilya na ang kinakabitan niya. Ang problema, ginawa lang siyang kabit para makaganti sa kasalanang 'di naman siya ang gumawa. Hanggang kailan niya titiisin ang pagiging backup? Ito ang secret file ni Lex.

Mahal ko ang Best Friend ko, pero pangit kasi ako 31 Aug 2026

Ibinahagi ng ating letter sender na mula noon at hanggang ngayon, mahal niya na ang best friend niya. Ang tanging problema niya lang ay pangit daw siya. Hanggang kailan siya magiging insecure at dapat nga ba niyang i-ruin ang friendship? Ito ang secret file ni Mark.

Tiniis ko ang pagloloko niya kasi binuntis niya ako 31 Aug 2026

Ibinahagi ng sender ang na kahit paulit-ulit siyang niloko, pinipilit niyang kumapit dahil takot siyang maranasan ng kanyang mga anak ang hirap ng lumaki sa broken family. Hanggang kailan pipiliin ni Elise ang pamilyang matagal nang sira?

Kabit lang ako, pero ako ang gusto niyang ibahay 26 Aug 2026

Ibinahagi ng sender ang kanyang karanasan nang makipagrelasyon siya sa isang lalaking pamilyado na. Aminado naman ang lalaki niya na mas masarap daw kapag silang dalawa ang magkasama, kaya inaalok niya ito ng mahigit Php 15,000 para manatili lang sa kaniya. Hanggang kailan kaya matitiis niya ang setup na nakakasakit 'di lang sa kaniya, kun'di sa pamilya rin ng iba? Ito ang secret file ni Jay.

Si Papa ang nakauna sa‘kin imbes na asawa ko 25 Aug 2026

Ibinahagi ng sender ang madilim niyang nakaraan at kung paano ito patuloy na nanggugulo sa buhay-mag-asawa nila ngayon. Nahihirapan pa rin siyang magtiwala nang lubusan dahil sa mga sugat na iniwan ng kanyang pamilya at dating karelasyon. Hanggang kailan kaya bibitbitin ng sender ang masakit na katotohanang nauna ang papa niya imbes na asawa niya? Ito ang secret file ni Diva.

Related podcasts