Kami Ang Inyong Mga... Podcast
Camille Prats, Iya Villania, Suzi Entrata-Abrera
Ito na nga, mga Mars! Welcome to Kami Ang Inyong Mga… ang bago nating paboritong tambayan! Join Camille, Iya, and Suzi as they talk about motherhood and womanhood, marriage, faith, and other real-life moments. Walang arte. Walang pa-perfect. Kwentuhan lang, tawanan, (and minsan konting iyakan???) na parang chikahan lang with your favorite Mars. Walang teleprompter, walang commercial break, at walang filter. Tara, kwentuhan tayo!
Ito na nga, mga Mars! Welcome to Kami Ang Inyong Mga… ang bago nating paboritong tambayan! Join Camille, Iya, and Suzi as they talk about motherhood and womanhood, marriage, faith, and other real-life moments. Walang arte. Walang pa-perfect. Kwentuhan lang, tawanan, (and minsan konting iyakan???) na parang chikahan lang with your favorite Mars. Walang teleprompter, walang commercial break, at walang filter. Tara, kwentuhan tayo!
Trabaho Lang, Walang Personalan! Camille, Suzi & Iya on Conflicts, Boundaries & Standing Your Ground
Episodes
Real talk lang, Mars: lahat tayo may naka-samaan na ng loob at some point in our lives. Aminin! Sa trabaho, sa school, sa barkada, o kahit sa sariling pamilya. Ang tanong, paano mo ba siya haharapin nang hindi ka nagdadabog, umiiyak sa CR, o nagpa-planong mag-resign by Friday? Kailan ka makikisama, kailan ka magsasalita, at kailan mo kailangang manindigan? This week, Camille, Suzi, and Iya share their personal experiences about conflict. May mga stories about standing up for what you believe in, a simple question that changed a working relationship, and turning hurtful criticism into motivation to do better. Napag-usapan din kung paano nakakaapekto sa atin ang negative energy ng iba, bakit mahalagang matutong pag-usapan ang difficult conversations, at paano malalaman kung worth it pa ba mag-adjust o kung oras na pa mag-let go. Hindi naman lahat ng conflict kailangang mauwi sa away, pero hindi rin ibig sabihin na kailangan mong tiisin ang lahat. May problema ka ba sa ’kin, Mars? Tara, samahan sina Camille, Suzi, at Iya sa real talk tungkol sa conflict, pakikisama, at sa mga bagay na minsan mahirap sabihin nang harapan. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mars, may mga bagay ka bang gustong ma-experience even just for once in your life? May list ka ba, o ikaw yung tipong kapag may opportunity, “Why not?” agad? For this week’s chikahan, Iya, Suzi, and Camille talk about their bucket lists! a.k.a. the things they hope to do and experience while they’re still alive and kicking. From skydiving and triathlon stories to a beach house, African safari, Aurora Borealis, and even a Disney cruise with the kids, iba-iba talaga ang pangarap ng bawat Mars! Si Iya, always g kapag may opportunity! Si Suzi, syempre dapat plans muna! At si Camille, may mga pangarap na gusto niyang ma-experience at memories na gusto niyang mabuo kasama ang pamilya. Pero Mars, minsan, baka hindi mo namamalayang may mga natupad ka na palang pangarap sa sobrang busy natin in chasing these other goals. Pwedeng first time mong makakita ng panda in real life, makasakay ng business class, o ma-enjoy ang simpleng bagay na dati, kapag nagkapera ka na, saka mo pa lang pwedeng gawin. Minsan, yung life na meron ka ngayon ay yung life na pinapangarap mo lang noon. Ganda, ‘di ba? So keep dreaming, Mars. Hindi kailangang ma-achieve lahat agad, at hindi rin kailangang by hook or by crook! Habang on they way ka sa next dream mo, ‘wag kalimutang pahalagahan ang mga bagay na natupad na pala, pati na rin yung mga maliliit na bagay na pwede mong ipagpasalamat ngayon. Dream big, but don’t forget to live in the moment, Mars! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Wedding prep na ba ang next level ng adulting journey mo, Mars? This week, samahan sina Mars Suzi, Camille, at Iya sa trip down the memory lane ng sarili nilang wedding experiences, from printed invitations and simple receptions to prenup shoots, destination weddings, guest lists, wedding coordinators, at lahat ng unexpected drama na pwedeng mangyari sa big day! But beyond the flowers, food, venues, at guest list, ang mas importanteng tanong ay: Ano ba talaga ang mahalaga kapag ikakasal ka? Kasi kahit gaano mo ka-planado ang wedding mo, may mga bagay talagang hindi mo kontrolado. Pwedeng umulan. Pwedeng ma-late ang supplier. Pwedeng may family drama. Pwedeng hindi maging exactly the way you imagined it. Pero in the end, baka hindi naman talaga kailangan maging perfect ang wedding. Ang importante, nandun kayo, kasama ang mga taong mahalaga sa inyo, at magsisimula na kayo sa buhay na pinili ninyong pagsaluhan. Wedding day is one day. Yung marriage? ‘Yun ang journey of a lifetime. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Things change as we grow older. Yung dati sobrang importante sa atin, minsan ngayon hindi na ganun kabigat. Yung dating kailangan nating patunayan, ngayon kaya na nating bitawan. And yung mga bagay na dati nagbibigay sa atin ng pressure, natututunan na nating tingnan with a little more wisdom, humor, and perspective. For this episode, Camille, Iya, and Suzi talk about the things they used to care about that don’t matter as much anymore. They revisit their younger, more competitive selves and how winning used to feel like everything. From school competitions to game shows and even casual games, dati kailangan talagang manalo. Ngayon, mas kaya na nilang tanggapin ang defeat, tumawa sa mga epic fails, and remember that not every loss means failure. They also discuss working and doing things without the same level of pressure as before, enjoying acting, singing, and other hobbies for the love of it, and accepting that not everyone you work with has to become your closest friend. At the heart of the conversation is one question: Ano pa bang kailangan kong patunayan? Because growing older doesn’t necessarily mean you stop caring. It means you become more intentional about what deserves your time, energy, and peace! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Healthy ka naman. So kailangan mo pa ba talagang magpa-checkup? For this episode, Iya, Suzi, and Camille talk about something we all know we should prioritize but sometimes put off: taking care of our health while we still can. They get real about the old-school mindset of “kainin mo na lahat ng gusto mo ngayon habang bata ka pa,” and how our understanding of health has changed. Mapa-food, lifestyle o check-ups man ‘yan, our Mars talk about why being proactive can help us understand what's happening inside our bodies before something becomes a bigger problem. Syempre may mga struggles rin. Because yes, kahit mukhang healthy living ang lifestyle, may cravings, may cheat days, at may moments na gusto mo rin talaga ng pulang hotdog kaysa quinoa and grilled chicken. May role din ang genetics, family history, finding a doctor who knows your medical history, keeping your health records organized, and understanding that not everything is within our control. And perhaps the biggest reminder from this episode: health isn't about trying to control exactly how long you'll live. It's about giving yourself the best chance to enjoy the life you have! Move more. Know your numbers. Make better choices when you can. And give yourself some grace when you don't. Because your health isn't just an expense. Investment ‘yan in the years you still want to enjoy. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Sa mga Mars natin d’yan… kailan niyo last naranasan ang ‘bebe time’? Sa episode na ’to, Mars Suzi, Camille, and Iya get real about intimacy in marriage and what happens when life, kids, careers, hormones, and plain old pagod start getting in the way. Napag-chikahan kung bakit madaling ma-set aside ang intimacy kapag ang dami nang kailangang gawin, how communication can change everything, and why understanding your partner matters just as much as understanding yourself. From perimenopause and changing seasons of marriage to date nights, love languages, private jokes, and finding time to be just the two of you! One thing they kept coming back to? Intimacy doesn’t just happen. You build it. It can start with a conversation, a little lambing, a date, a private joke, holding hands, or simply making time to remember what it feels like to be a couple again. And as the years go by, intimacy changes too. It may not always look the same, but the goal is still the same: to enjoy growing old with someone you genuinely enjoy being with. Kilig, ‘di ba?! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
What did you want to be when you were a kid? And paano kung hindi pala iyon ang career na mapupuntahan mo? Mars Iya, Suzi, and Camille look back on their career journeys, from childhood dreams and first auditions to rejection, unexpected opportunities, setbacks, and the moments that made them question what came next. May mga auditions na hindi successful. May opportunities na dumating out of nowhere. May moments din na akala nila kailangan na nilang mag-start over. Pero habang tumatagal, they learned that rejection doesn’t always mean failure. Sometimes, hindi lang talaga para sa’yo ang opportunity na ‘yon. They also talk about building a career for the long game, knowing your strengths and weaknesses, staying open to new possibilities, and understanding that success isn’t always about following the exact path you imagined. Because sometimes, the career you end up building looks nothing like the career you dreamed about as a kid. And maybe that’s not such a bad thing after all! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mga Mars, handa ba talaga tayo kapag may emergency? After all the floods, extreme weather, earthquakes, and other unexpected situations we've experienced, napaisip ang mga Mars sa isang very important question: prepared ba talaga tayo for these emergencies? From checking your first aid kit and making sure hindi expired ang laman, to having a whistle, flashlight, food, water, medicine, important documents, and a proper go bag, napag-usapan ang mga basic things na madaling makalimutan kapag matagal nang walang emergency. Pero hindi lang naman tungkol sa mga gamit ang preparedness. Kailangan ding alam ng buong pamilya kung saan pupunta, saan magkikita, paano magco-communicate, at ano ang gagawin kapag biglang unexpectedly nagkahiwalay kayo, ‘di ba? Lalo na kung may mga bata sa bahay, importante ring alam nila ang mga basic information tulad ng names, phone numbers, at address ng family. Napag-usapan din ang importance ng drills at bakit kailangan itong paulit-ulit. Kasi kapag emergency na, hindi na dapat doon pa lang tayo nag-iisip kung ano ang gagawin. Practice makes it easier to respond. But underneath all the kwentuhan, one thing is clear: hindi naman natin gustong gamitin ang mga pinaghahandaan natin. Pero kung mangyari man, at least alam nating may plano tayo. So, Mars, now’s the opportunity to ask yourself… are you really prepared? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mga Mars, naaalala niyo pa ba ang student life at mga school memories niyo? In this episode, napa-throwback ang ating paboritong mga Mars sa kanilang mga naging experiences bilang estudyante. From favorite subjects like typing class, spelling, and PE to balancing work and studies as a child star, napag-usapan nina Mars Camille, Iya, at Suzi ang malaking difference ng traditional education noon kumpara ngayon! Hindi rin nawala ang kwentuhan tungkol sa mga nakakatawang childhood misadventures, ang importance ng disiplina at discomfort sa paglaki, at kung bakit very true ang kasabihang ‘learning never stops at school.’ Because sometimes, the lessons that stay with us aren't necessarily the ones we learned inside the classroom, ‘di ba? It's a little bit nostalgic, a little bit chaotic, but very Mars-coded. Tara, maki-chika na sa kwelang balik-eskwela kwentuhan! So, Mars… Ano ang pinaka-memorable na karanasan mo noong estudyante ka pa? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
To keep or not to keep. That is the question, Mars! Ilang beses mo na bang sinabi na “Sige, itatabi ko muna ‘to. Baka kailanganin ko pa.” Tapos ilang taon na siyang nakatago, at hindi naman nagamit? For this episode, Iya, Camille, and Suzi get real about decluttering, not just the actual kalat at gamit sa bahay, but also the memories, sentimental value, and “sayang naman” mindset that can make letting go so difficult. From clothes and toys to old memorabilia, pantry items, bills, and even things we might leave behind someday, pinag-chikahan kung ano ba talaga ang worth keeping, selling, donating, or finally letting go. And because decluttering isn't just about having more space at home, napunta rin ang chikahan sa how clearing out our physical space can help clear some space in our minds, too! Plus: expired food, paper bills, vintage finds, garage sales, and the eternal question… Mars, itatabi pa ba natin 'to o itapon na? This episode is your sign. One drawer at a time. One basket at a time. One “sige na nga, goodbye” at a time. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mga Mars, fashion talk naman tayo! Akala natin pare-pareho lang ng taste ang tatlo… pero apparently, hindi pala! Kahit matching colors minsan, iba-iba pa rin talaga ang fashion personality nina Mars Iya, Camille, at Suzi! Sa episode na ito, mapapa-throwback tayo, from childhood outfits and teenage pormahans to the way their careers, lifestyle, and even motherhood have influenced what they wear today. May mga “Bakit ko ba 'to sinuot?” moments, mga damit na tiis-ganda talaga, fashion trends na hindi nila gets until now, at mga style choices na hanggang ngayon ay very memorable! They also share opinions on personal style habang nagbabago rin ang buhay. Kasi iba naman talaga ang pormahan mo sa bawat phases ng life. At syempre, hindi mawawala ang mga fashion opinions. May trends na go na go, may trends na hmmm... pass muna, at may mga outfit combinations na mapapaisip ka talaga ng, “Mars, paano mo napull off 'yan?!” So, Mars… Ano ang fashion personality mo? At ano ang fashion phase na sana hindi na lang natin pag-usapan? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
⚠️ Trigger Warning: This episode contains conversations about grief, death, loss, pet loss, and the end of relationships and friendships. Please listen with care if these topics are difficult for you. Lahat tayo dumaraan sa loss… mahal sa buhay, a pet, a relationship, o kahit ng version ng sarili natin na kailangan nating iwan. Sa episode na ito, Camille, Suzi, at Iya get emotional and talk about grief, healing, empathy, at kung bakit walang iisang tamang way to express those emotions. Minsan tahimik lang, minsan it will really hit you at a random place and at a random time. Kung may pinagdadaanan ka ngayon o may loved one kang nami-miss, tara, samahan mo kami sa episode na ‘to. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
May harmless bang chismis? O lahat ba ng chismis may nasasaktan o nakakasama? Sa episode na ito, Iya, Camille, and Suzi reflected on the role of gossip sa buhay natin, mula sa mga simpleng office chika hanggang sa fake news, urban legends, at mga kwentong halos buong mundo na ang naniwala. Napag-usapan din kung bakit likas sa tao ang pagiging curious, paano kumakalat ang misinformation, at bakit mahalagang matutong mag-fact check bago mag-share ng kahit anong info. Kung mahilig ka sa good conversation, relatable stories, at mga "Ay oo nga, no?" moments, this ep is for you. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Uy! Season 2 na, mga Mars! 💛 And what better way to kick things off than with one of our biggest comfort things, ‘di ba? Eh di movies and TV series! From childhood favorites and family classics to iconic comfort watches, this episode is one big nostalgic chikahan that'll probably make you want to start your next movie marathon. At mas pina-special pa ang episode na 'to because kayo ang may pakana! This topic came from one of your suggestions, and it's our way of saying thank you for making Kami ang Inyong Mga... a community where everyone gets to join the conversation! Season 2 is officially rolling, and we can't wait to share more chika, tawanan, and life conversations with you all, mga Mars! Now it's your turn! What's that one movie or TV series na kahit ilang beses mo nang napanood, babalikan mo pa rin? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
One season. Countless kwentuhan. Endless memories. This Season 1, sinamahan ninyo sina Mars Suzi, Camille, at Iya sa iba't ibang seasons ng life—motherhood, marriage, friendship, pagpapalaki ng mga anak, self-care, travel, perimenopause, at lahat ng tawanan at realizations in between! Sa special episode na ito, binalikan natin ang ilan sa mga paboritong usapan, pinaka-relatable na moments, at mga aral na tumatak sa ating Mars community. Whether you've been with us since Day 1 or ngayon ka pa lang nakikinig, this is the perfect episode to laugh, reflect, and relive the best of Season 1. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Season ender na, mga Mars! Sa episode na ‘to, napa-reminisce sina Mars Suzi Entrata-Abrera, Camille Prats, at Iya Villania sa mga family trips na hanggang ngayon ay dala pa rin nila at heart! From beach outings at road trips noong bata pa sila hanggang sa pagbuo ngayon ng sarili nilang core memories kasama ang kani-kanilang pamilya. Napag-usapan din kung paano nagbago ang travels bilang mga magulang, ang mga travel mishaps na naging favorite family stories, at ang mga lessons na natutunan nila tungkol sa pagpapalaki ng mga anak sa bawat adventure! Hindi naman kailangang perfect ang bakasyon para maging unforgettable, dahil kadalasan, ang pinakamagagandang memories ay nanggagaling sa mga moments na puno ng epic fails, tawanan, at sama-samang pagharap sa challenges. Inspired by their own childhood memories and the desire to create the same for their children, this season ender celebrates the beauty of traveling together, making memories, and choosing experiences that last far beyond the destination! Ano, mga Mars? Sakay na! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mars… may mga pagkakataon bang napapaisip ka kung bakit parang biglang nagbago ang katawan mo? Mas madaling mapagod, hirap matulog, mas mabilis mairita, o parang hindi na ikaw ang dating ikaw, kahit regular pa rinnaman ang period mo? Sa episode na ito, kasama nina Iya Villania, Camille Prats, at Suzi Entrata-Abrera si Claudine Viquiera, Founder of ProAge Beauty at certified menopause coach para pag-usapan ang isa sa mga pinaka-requested topics ng Mars community: perimenopause. Ano nga ba ang perimenopause? Kailan ito nagsisimula? Ano ang mga sintomas nito, at bakit madalas itong napagkakamalang simpleng stress, burnout, o sign ng pagtanda? Pag-uusapan din natin ang hormones, lifestyle changes, exercise, nutrition, hormone replacement therapy, at kung paano mas magiging handa ang mga kababaihan (at pati na rin ang kanilang partners at pamilya) sa panibagong chapter ng womanhood na ito! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Minsan ba napapaisip ka rin, Mars, kung tama pa ba ang amount ng screen time ng mga anak mo? This episode, tapatang pinag-usapan nina Mars Suzi, Iya, at Camille ang isa sa pinakamalaking parenting challenges ngayon: pagpapalaki ng mga bata sa panahon ng gadgets, online games, social media, at AI. From personal experiences bilang mga magulang, to gadget breaks, screen time limits, Roblox struggles, smartphone rules, hanggang sa mga moments na kinailangan nilang maging strict kahit mahirap. Paano mo malalaman kung sobra na ang gadgets? Kailan ba dapat bigyan ng smartphone ang bata? At paano ka magse-set ng boundaries nang hindi nasisira ang bond mo sa anak mo? Join us in an honest, relatable, at napaka-importanteng episode para sa lahat ng magulang in this digital age. Ikaw, Mars? Ano ang gadget rules ninyo sa bahay? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Truth be told, mga mom-Mars… minsan parang buong bahay na ang laman ng bag natin! Sa episode na ‘to, binuksan nina Camille, Suzi, at Iya ang kanilang mga bags para ipakita ang mga bagay na hindi mawawala sa kanilang everyday bags! Mula sa emergency kits, snacks, medicines, chargers, beauty essentials, hanggang sa mga random items na hindi na nila maalalang nandyan pa pala! Bawat items, may kwento, mga bagay na nagre-reflect sa kanilang personalities, priorities, parenting styles, at iba't ibang season ng buhay. Sinong Mars kaya ang mala-girl scout na laging handa sa kahit anong emergency? Sino kaya ang may pinaka-random na bagay sa loob ng bag? At sino naman ang mala-supermom na nasa kanya na ang lahat? Ikaw, Mars? Ano ang isang bagay na hindi pwedeng mawala sa bag mo? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Pregnancy is never the same twice, kahit pa on the same woman! Join us, Mars, sa isang eye-opening conversation tungkol sa pregnancy, motherhood, body changes, at lahat ng mga bagay na walang manual pagdating sa pagiging nanay. Chinika nina Iya, Suzi, at Camille ang kanilang personal experiences: from first pregnancies and unexpected challenges to the lessons they learned through the years. Napag-usapan din namin kung paano nagbabago ang katawan, mindset, priorities, at confidence ng isang babae sa iba't ibang stages ng motherhood. Of course, hindi rin nawala ang usapan tungkol sa health, fitness, recovery, at kung paano alagaan ang sarili habang inaalagaan ang pamilya. Pero higit sa lahat, napag-usapan namin ang isang mahalagang realization: walang isang tamang paraan para maging nanay. Whether you're a first-time mom, planning to have children, currently pregnant, or simply curious about the realities of motherhood, this episode is full of honest stories, practical insights, and comforting reminders that every journey is unique! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Gaano nga ba kahalaga ang mga simple things na nakakapagpasaya sa atin araw-araw? Sa episode na ito, Suzi shared her love for ice-cold beer, fresh bedsheets, magandang ballpen, at simpleng improvements sa bahay na surprisingly malaking bagay pala sa daily life! Si Iya naman, ikinuwento ang joy na dala ng fresh buko juice after workouts, wrapping gifts with ribbons, comfort food cravings, at pinaka-special sa lahat—watching her kids genuinely love and care for each other! While si Camille, napakwento tungkol sa comfort food memories, reading books again after years of motherhood, stationery obsessions, at mga simpleng moments kasama ang kanyang mga anak na unexpectedly naging core memories. Minsan, hindi naman pala kailangan ng engrandeng mga bagay para sumaya. Madalas, ang true happiness ay nanggagaling sa small at ordinary moments na hindi natin agad napapansin. From food cravings and massages to sibling bonding, workouts, and quiet moments at home, join us sa masayang chikahan na siguradong magpapaisip tayo: Ano nga ba ang mga simpleng bagay na nagpapagaan ng araw mo? 💛 Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Birthday na ng ating paboritong Mars, Camille Prats! At dahil birthday episode nga ito, napunta ang chikahan sa isang bagay na sure makaka-relate tayong lahat: ang iba't ibang stages ng life. Ano ba ang biggest realizations kapag nasa 30s ka? Paano nagbabago ang priorities pagdating ng 40s? At ano ang mga bagay na mas naiintindihan mo pagdating ng 50s? In this special episode, Mars Camille shared her realizations bilang bagong 41-year-old, ikinuwento naman ni Mars Iya ang dekadang inilaan niya sa pagpapalaki ng limang kids, at syempre si Mars Suzi tungkol sa health, aging, at embracing change habang tumatanda. From milestone birthdays and parenting seasons to career shifts, friendship, and learning to appreciate the life you've built, this is the chikahan you don’t really wanna miss! One thing's for sure, mga Mars: bawat edad may challenge, pero bawat edad may sariling lessons and joy that comes with them. 💛 Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mga Mars, ready na ba kayo sa isang episode na siguradong makaka-relate ang lahat? Sa episode na ito, we talk about our biggest pet peeves! Hindi ito ‘yung mga alaga naming pets ha, but ‘yung mga maliliit na bagay na minsan hindi natin napapansin pero pwedeng maka-bother sa ibang tao. Mula sa hindi paghuhugas ng kamay pagkatapos mag-CR, pag-iiwan ng kalat sa public spaces, maingay na panonood ng videos sa cellphone, hanggang sa mga simpleng household habits na pwedeng pagmulan ng inis! Pero na-realize rin namin na hindi lang pala ito tungkol sa mga nakakairitang gawain. At the heart of every pet peeve is a lesson about consideration, awareness, and respect for the people around us. Napag-usapan din namin kung paano natin maituturo sa ating mga anak ang pagiging mindful, responsible, at considerate sa bahay man o sa labas. At syempre, gaya ng lahat ng chikahan ng mga Mars, hindi mawawala ang tawanan, mga personal stories, at mga realizations na baka ikaw mismo ay guilty rin pala sa ilan sa mga pet peeves na pinag-uusapan namin! Tara, mga Mars, sabay-sabay nating alamin: ano nga ba ang mga bagay na dapat nating baguhin para maging mas considerate at mas mindful sa ating araw-araw na buhay? Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
"Adult friendship is all about quality over quantity. Okay lang kung lumiliit ang circle mo habang tumatanda, ang importante genuine, subok ng panahon, at may space para sa growth ng bawat isa." For today’s video, magpapanggap muna bilang mayaman ang inyong mga Mars! Samahan kami sa isang relaxing afternoon tea at heart-to-heart talk tungkol sa adult friendships habang dumaraan sa iba't ibang seasons of life. We talk about the blessing ng pagkakaroon ng low-maintenance friendships, yung walang sumbatan o tampuhan kahit na lumipas ang ilang buwan na hindi kayo nagkakausap dahil pare-pareho kayong busy sa kanya-kanyang ganaps. At syempre, we need to also have that convo about the insecurities kapag inaatake tayo ng friendship FOMO, lalo na kapag nakikita natin sa social media na nagkakasama ang ating circle nang hindi tayo naimbitahan, at kung paano ito ina-navigate with grace. We also reflect on the difference ng iba’t ibang group of friends na suited sa iba’t ibang parts ng ating buhay. Basta sa huli, we believe that Mars-hood is all about quality over quantity! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
This time, dinala namin ang chikahan sa isang much-deserved pampering session para makapag-relax at mag-recharge. Pero syempre, hindi lang basta masahe ang ganap; we also opened our hearts tungkol sa role na pinakamahalaga sa amin: ang pagiging ina! We talk about real-life struggles na hindi laging nakikita sa social media. Ano nga ba ang gagawin kapag inaatake ng "mom guilt"? Paano ba naba-balance ang pagiging working mom while making sure na hindi napababayaan ang mga bata? Mars Iya, Suzi, and Camille get vulnerable with their personal stories—mula sa pagtanggap na hindi tayo kailangang maging "perfect" para maging mabuting nanay, hanggang sa pag-recognize sa ating "village" o ang mga taong tumutulong sa atin para ma-fulfill ang ating mga mom duties. Ito ay para sa lahat ng nanay na pagod pero patuloy na lumalaban. It’s a mix of emotional realizations, helpful tips, and love love love! Isang malaking salute ito sa inyo, mga mom-Mars! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Mga Mars! Handa na ba kayo sa isang ultimate throwback at kilig session? Sa episode na ito, "Love on Mars" ang theme at kaming tatlo ay mag-o-open up tungkol sa kung paano ba namin nahanap (o paano kami nahanap!) ng aming "the one." From Mars Suzi at sa kanyang "Game Plan" days. Akalain niyo bang siya pala ang unang basher ni Paolo Abrera bago niya siya naging super crush? Hindi rin magpapahuli si Mars Iya sa kanyang "Aussie Girl" era sa “Click.” Sino nga ba ang unang nag-the moves sa kanilang dalawa ni Drew? And of course, Mars Camille shares her heart about the foundation of a lasting relationship. Mula sa pagpili sa tamang tao hanggang sa importance ng respect sa magulang at pamilya, Camille reminds us that love is more than just kilig, it is about finding the security and support that lets you shine. Join us in an episode na puno ng tawanan, aral, at patunay na possible pala ang "forever" sa gitna ng complicated showbiz life. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
May mga bagay talaga na… kahit alam mong “medyo mali,” hindi mo pa rin mapigilan, ‘di ba, mga Mars? Sa episode na ‘to, magkaka-bukingan na from food cravings hanggang sa mga shopping habits na minsan ay “tinatago” pa sa mga asawa! Pag-uusapan natin ang lahat: from dessert coffees and freshly baked bread hanggang sa classic white cheddar Cheetos at Maltesers. Aminado ang tatlo: minsan, hindi na cravings ang problema… kundi ang self-control na tuluyan nang nawala! Pero hindi lang basta pagkain ang chika. Kasama rin ang aming shopping confessions (hello, athleisures!), panic buying moments, at yung feeling na “deserve ko ‘to”… kahit medyo napasobra na. Bakit nga ba tayo nagui-guilty? At kailan ba talaga siya nagiging “too much”? It’s a mix of real talk, relatable moments, at punong-puno ng tawa. Ito yung episode na mapapaisip ka… pero mapapangiti ka rin habang kumakain ng paborito mong guilty pleasure! Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Ano nga ba talaga ang standard ng beauty? Usapang kagandahan tayo, mga Mars, but not the usual kind. Hindi lang makeup, hindi lang skincare… kundi ang mga deeper questions behind it all. From shifting beauty standards to the rise of treatments and enhancements, pag-uusapan natin kung paano nagbago ang tingin natin sa “maganda” across eras. Mas accepting ba tayo ngayon, or mas critical dahil sa social media? We also share honest thoughts on Botox, procedures, and the pressure to look a certain way, especially growing up in the showbiz industry. Plus, real talk about aging, body changes, at yung reality na hindi na talaga babalik yung dati mong katawan. At the end of the day, bumabalik tayo sa isang tanong: para kanino mo ba ginagawa lahat ng ‘to? Because trends will change. Bodies will change. Seasons will change. Pero your body and face? Ikaw pa rin ‘yan. And maybe, that’s where real confidence starts! 🎙️ Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Pera, pera, pera! Lahat tayo may kanya-kanyang kwento tungkol d’yan. 💸 This episode, usapang money matters tayo, pero Mars-style: this is not your typical boring finance talk! From childhood experiences to growing up with different money mindsets, malalaman natin kung paano nag-evolve ang relationship nila with money. Kasama rin sa chika ang pagiging gastador vs. saver, investing early, at kung paano nga ba nagbabago ang pag-handle ng pera kapag may asawa at pamilya na. Real talk din sa dynamics ng couples: joint account ba dapat o hiwalay? Paano pag magkaiba kayo ng spending habits? Plus, honest confessions about impulse shopping, peer pressure, at yung mga “toxic habits” na natutunan (at unti-unting iniwan). At the end of the day, walang iisang tamang formula. Pero isang bagay ang clear: kailangan pag-usapan ang pera, hindi iniiwasan. 🎙️ Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Hindi ba talaga para sayo ang workout… o ayaw mo lang magsimula? 😅 Sa Episode 2 ng Kami Ang Inyong Mga…, usapang fitness tayo, pero real talk, Mars. Walang halang eme at pagpapanggap. Just the honest truth about what it really takes to move your body and take care of yourself. From Camille’s transformation story (yes, may “takot sa weighing scale” moment), to Iya’s strength mindset, to Suzi’s “always trying” approach — pinag-usapan namin kung paano magsimula, paano mag-stick, at bakit totoo nga ang kasabihang ‘health is wealth.’ We talk about sleep, consistency, pagkain (yes, hindi kailangan agad mag-diet!), at ang pinaka-importante: mindset. Kasi minsan, hindi pagod ang kalaban… kundi ang sarili mo mismo. Whether you’re starting from zero or trying to get back on track, this episode is your little push to just begin. Kaya mo ‘to, Mars! 💛 Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production
Ito na nga, mga Mars! 🎙️ Welcome sa pilot episode ng Kami Ang Inyong Mga… at syempre, kwentuhan muna tayo kung paano nga ba tayo napunta dito. From the early days of Mars, hanggang sa mga unexpected na ganaps, transitions, at moments na hindi namin in-expect… ikinuwento namin lahat. Hindi naging madali ang journey naming tatlo: Suzi, Camille, and Iya. May mga naiwan, may mga need i-sacrifice, at may mga pagkakataon na hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng buhay. Pero looking back, dun namin nakita… may dahilan pala kung bakit nangyari ang lahat. Kulitan. Tawanan. At syempre… konting iyakan. Kung nami-miss niyo ang Mars community, eto na ulit! Bagong tambayan, bagong kwentuhan, pero same vibes pa rin. 💛 Simula pa lang ‘to. Tara, samahan niyo kami. Follow Kami ang Inyong Mga… Youtube Facebook Tiktok Instagram © 2026 A Team Dklutr Production